17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

K A B A N A T A 6

Upang Marinig ang Tinig

ng Panginoon

Paano tayo makatatanggap ng pansariling

paghahayag mula sa Panginoon?

Pambungad

Sinabi minsan ni Pangulong Harold B. Lee: “Mayroon akong

mapaniwalang puso na nagsimula sa isang simpleng patotoo na

dumating noong ako ay bata pa —palagay ko ay mga sampu o labing-isang

taong gulang pa lang ako noon. Kasama ko ang aking

ama sa bukid na malayo sa aming tahanan, sinikap kong gawing

abala ang sarili ko hanggang sa handa nang umuwi ang aking

ama. Sa kabilang bakod mula sa lugar namin ay may ilang nakahilerang

troso na nakakaakit sa sinumang usiserong bata, at ako

ay mapagsapalaran. Nagsimula akong umakyat sa bakod, at narinig

ko ang isang tinig na kasinglinaw nang pagkakarinig ninyo sa

tinig ko ngayon, na tinatawag ako sa aking pangalan at sinasabing,

‘Huwag kang pumunta diyan!’ Lumingon ako sa aking ama

upang tingnan kung kinakausap niya ako, subalit naroon siya sa

kabilang dulo pa ng bukid. Walang ibang tao sa paligid. Natanto

ko noon, bilang isang bata, na may mga taong hindi ko nakikita,

sapagkat walang-alinlangang nakarinig ako ng tinig. Simula

noon, kapag nakakarinig o nakakabasa ako ng mga kuwento ni

Propetang Joseph Smith, alam ko rin kung ano ang kahulugan

ng makarinig ng tinig, dahil naranasan ko iyon.” 1

Bagaman maaaring hindi malinaw na nakikipag-usap sa atin

ang Panginoon, habang natututuhan nating makipag-usap sa

Kanya at napapansin ang paraan ng pakikipag-usap Niya sa atin,

unti-unti na natin Siyang nakikilala. Sinabi ni Pangulong Harold

B. Lee na “upang makilala ang Diyos at si Jesucristo na Kanyang

sinugo (tingnan sa Juan 17:3), gaya nang sinabi ng Guro sa kan-

56

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!