17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

141

KABANATA 13

ang kanilang mga anak tulad ng iniutos ng Panginoon at makaiwas

sa kumakastigong kamay ng Makapangyarihang Diyos.” 1

Tatalakayin sa kabanatang ito ang mga dakilang responsibilidad

na ibinigay sa mga magulang na ituro ang ebanghelyo sa kanilang

mga anak at ihanda sila na mamuhay nang matwid.

Mga Turo ni Harold B. Lee

Bakit ang tahanan ang pinakamahalagang

lugar upang ituro ang ebanghelyo?

Ang ating mga tahanan ay hindi lamang dapat maging mga

kanlungan kundi mga lugar din ng paghahanda kung saan maaaring

magmula ang ating mga kabataan nang may pagtitiwalang

makapamumuno at makahaharap sila sa magulong daigdig. Alam

nating lahat na ang natututuhan sa tahanan ay kataka-takang gumigiit

sa pagkatao; ang nakikita at nararanasan sa tahanan ay maaaring

makatulong o makabagabag sa ating kabataan sa mga

darating na panahon. Ang mga tahanan natin ay maaaring maging

mga modelo sa buong sangkatauhan, ngunit kakailanganin

nating dibdibin ang payo ng mga pinuno ng Simbahan tungkol

sa paksang ito nang higit kaysa noon. Noon pa ma’y natatanging

hamon na ito, at lalo pa ngayon dahil sa pangkalahatang kabulukan

sa mga tahanan sa ating panahon. “Nadarama at nakikita”

ng mga bata na ipinamumuhay ang ebanghelyo sa tahanan.

Nakikita nila mismo ang kawastuhan at kapangyarihan nito; nakikita

nila kung paano nito natutugunan ang mga pangangailangan

ng indibiduwal. 2

Paulit-ulit ang pagsasabing ang tahanan ang batayan ng matwid

na pamumuhay. . . . Ang mga paghahayag ng Diyos at karunungan

ng tao ay kapwa nagsasabi sa atin kung gaano kahalaga ang tahanan

sa paghubog sa buong buhay na karanasan ng indibiduwal. 3

Lalo ngayong nagiging malinaw na ang tahanan at pamilya ang

mga susi sa kinabukasan ng Simbahan. Ang batang pinagkaitan

ng pagmamahal, isang batang hindi nakaranas ng disiplina,

trabaho, o responsibilidad, ay kadalasang sumusuko sa mga panghalili

ni satanas sa kaligayahan–bawal na gamot, pag-eksperimento

sa seks, at pagrerebelbe, maging ito man ay sa isip o

pag-uugali. ...

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!