17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 20

tanong tungkol sa maseselang bagay. Sabik siyang malaman; nais

niyang malaman ang mga bagay.

Kung ang kanyang ama ay magiging prangka at matapat, at

sasabihin sa kanya sa abot ng kanyang pang-unawa habang siya’y

lumalaki, ang amang iyon ang babalikan ng anak para hingan

ng payo sa mga darating na taon. Ang ama ay magiging

angkla sa kaluluwa ng batang iyon, habang kumukuha ang ama

mula sa kanyang aklat ng karanasan ng mga aral na maaari niyang

ibigay sa kanyang anak upang tulungan siyang makapaghanda

laban sa posibilidad ng pagkahulog sa patibong sa

sandaling hindi inaasahan. 20

Sana’y maikintal ko sa inyong isipan ngayon, kayo na arawaraw

ay kailangang lumakad sa umuugoy na tulay [na nasa ibabaw

ng] kamunduhan at kasalanan na dumadaloy na tulad ng

maalong sapa sa ilalim ninyo. Sana kapag may kirot ng pag-aalinlangan

at takot na dahilan ng paglayo ninyo sa panalangin at pananampalataya

at pagmamahal, nawa’y marinig ninyo ang aking

tinig na tila tumatawag sa inyo mula sa malayo sa tulay ng buhay,

“Manampalataya—ito ang daan—dahil mas nakikita ko ang

nasa unahan kaysa sa inyo.” Nawa’y itulot ng Diyos na madama

ninyo ngayon ang pagmamahal na dumadaloy mula sa aking kaluluwa

tungo sa inyong kaluluwa, at mabatid ang matinding awa

ko sa bawat isa sa inyo habang kinakaharap ninyo ang mga problema

ngayon. Ngayon na ang panahon na ang bawat isa sa inyo’y

kailangang tumayo sa sarili ninyong paa. Ngayon na ang

panahon na walang sinumang lalaki at babae na makatatagal sa

hiram na liwanag. Bawat isa’y kailangang magabayan ng liwanag

na nagmumula sa kanyang sarili. Kung wala kayo nito, hindi

kayo makatatagal. 21

Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan

• Bakit kailangan tayong mag-isip ng mabubuting kaisipan

upang maipamuhay natin ang batas ng kalinisang-puri?

• Anong mga pagpapala ang dumarating sa mga malinis ang

puri at banal?

226

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!