17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

ANG MINISTERYO NI HAROLD B. LEE

“Si Harold ay lalong eksperto sa piano. Kapansin-pansin na

ang pagmamahal sa musika, na nalinang noong mga panahong

iyon, ay naipakita sa dakong huli nang maglingkod siya bilang

tagapangulo ng Komite ng Simbahan sa Musika. ...

“Isang maliit na bagon na hila-hila ng maliit na kabayo, na karaniwang

pinatatakbo ng ina, ang naghahatid-sundo sa mga bata

sa paaralan na mga 3 kilometro ang layo. Ito ay nagiging munting

kanlungan kapag umiihip ang hangin ng Enero mula sa hilaga,

at problema ang putik dahil sa pagkatunaw ng niyebe sa

daan. Ngunit gayon talaga ang buhay sa Clifton. Tulad ng puna

ni Pangulong Lee, ‘Nasa amin ang lahat ng bagay na hindi mabibili

ng salapi.’ At pinupunan ng marami sa mga bagay na ito

ang anumang kakulangan nila. Napakalinis ng hangin, at tila

ang tamis nang samyo nito. Ang tubig ay tila umaalon na salamin

at napakadaling maaninag ang makikinang na bato sa pusod

ng sapa. Ang mga bituin sa gabi ay mistulang mga tao at

hayop sa kalangitan—at sa paggamit ng imahinasyon ng isang

bata ay nasasabi niya kung ano ang nakikita niya sa kalangitan.

Ang ulan sa tag-araw ay tulad ng mana na bumagsak sa ilang, na

nagbibigay buhay sa lupain. Dumating ang tagsibol at inilatag

ang malawak na luntiang alpombra sa lupang inararo, na sinundan

ng pagtatanim. Ang dumadagundong at umuusok na

makina ang nagbibigay ng koryente sa mahabang hanay ng mga

makinang panggapas na umaani ng saku-sakong trigo, obena

(oats), at barley. ...

“Nang matapos na ang pag-aaral sa lokal na paaralan, ‘umalis

na ng tahanan’ ang mga batang lalaki upang mag-aral sa Oneida

Academy, ang mataas na paaralang pag-aari ng Simbahan sa

Preston na mga 24 na kilometro ang layo. Noon ay 13 taong gulang

si Harold, at dito niya unang nakilala si Ezra Taft Benson [na

naging ikalabintatlong Pangulo ng Simbahan]. Sumunod dito

ang Albion State Normal School, sa kabilang panig ng Idaho.

Dito, sa edad na 17, natanggap ni Harold B. Lee ang kanyang sertipiko

sa pagtuturo. Ipinagmamalaki niya at ng kanyang pamilya

ang araw na iyon. Inalok siya ng lupong pang-edukasyon ng distrito

ng trabaho bilang guro sa maliit na isang-silid na Silver Star

School, sa pagitan ng Dayton at Weston, ‘na nasa daan’ papuntang

Clifton. Ang sahod noon ay animnapung dolyar bawat bu-

xvi

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!