17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 8

maraming propeta. Nais kong balikan ang kasaysayan: si Eliseo

ay isang maunlad na magsasaka; si Amos ay pastol sa Judea; ang

propetang si Isaias ay mamamayan sa Jerusalem; si Mikas ay

mula sa nayon ng Judea; si Jeremias ay isang binatilyong mula sa

angkan ng mga saserdote; si Ezekiel ay saserdote sa templo; sina

Pedro, Andres, Santiago, at Juan ay mga mangingisda; si Jesus at

ang kanyang amang si Jose ay mga karpintero. Marahil ito ang

magpapaliwanag kung bakit pinili ng Panginoon [ang Propetang

Joseph Smith bilang] pinunong propeta ng dispensasyong

ito. . . . Pinili Niya ang taong magiging matalino sa mga bagay na

ukol sa Diyos— mga bagay na malamang na maging kahangalan

sa mga naturuan lamang sa mga bagay na ukol sa daigdig. 9

Sa buhay ng batang propetang si Joseph Smith, bago ipagkaloob

sa kanya ang dalawa sa mga dakilang paghahayag na naibigay

sa tao, ay may naunang pagpapamalas ng kapangyarihan ng

masama sa kapwa paghahayag na ito—sa Sagradong Kakahuyan,

at sa Burol ng Cumora. Tila kinailangang maunawaan ng Propeta

ang katangian at kapangyarihan ng puwersang iyon upang maging

handa siya sa matagumpay na pakikipaglaban dito. 10

Ang isang propeta ay hindi nagiging espirituwal na pinuno sa

pamamagitan ng pag-aaral ng mga aklat tungkol sa relihiyon, ni

hindi siya nagiging propeta sa pagdalo sa seminaryong nagtuturo

tungkol sa Diyos. ... Ang isang tao’y nagiging propeta o pinuno

ng relihiyon sa pamamagitan ng tunay na karanasang

espirituwal. Sa gayon ang totoong dalubhasa sa espirituwal ay

tumatanggap mismo ng diploma mula sa Diyos. 11

Anong mga dakilang bagay ang itinatag ng Panginoon

sa pamamagitan ng Propetang Joseph Smith?

Ang misyon ng Propetang Joseph Smith ay batid na. . .2,400

taon pa man bago siya isilang. Ang mga propesiya. . .hinggil kina

Moises at Joseph ay nakatala sa laminang tanso at nakuha mula

kay Laban ng mga anak ni Lehi, kung natatandaan ninyo. Doon

matatagpuan ang propesiyang ito na walang ibang tinutukoy

kundi ang Propetang Joseph Smith:

“Oo, tunay na sinabi ni Jose [walang alinlangang tumutukoy

kay Jose na ipinagbili sa Egipto]: Ganito ang winika ng

86

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!