17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

Bakit ang pagbibinyag ay kinakailangang

paghahanda sa pagharap sa Diyos?

37

KABANATA 4

Nang lumusong tayo sa tubig ng pagbibinyag, tayo ay nakipagtipan

sa Panginoon na gagawin natin ang lahat ng ating makakaya

upang masunod ang mga kautusan ng Diyos, na may paguunawa

na ibibigay sa atin ng Panginoon ang mga pangako at

ang Kanyang kaluwalhatian ay idaragdag sa atin magpakailanman,

at ating pahihintulutan na maisaayos ang ating mga buhay

upang tayo ay magsisilbing mga saksi ng Diyos sa lahat ng lugar

hanggang sa kamatayan. [Tingnan sa Mosias 18:8–10.] Iyan ang

tipan na ginawa natin noong tayo ay mabinyagang miyembro ng

Simbahang ito. 9

Ang pagbibinyag sa pamamagitan ng paglubog para sa kapatawaran

ng mga kasalanan. . .ay para sa taong sumapit na sa gulang

ng pananagutan, isang kinakailangang paghahanda para sa pagharap

sa Diyos. Sa pamamagitan nito kayo nagiging” mga anak

ng Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo.

Sapagkat ang lahat na sa inyo na nabinyagan kay Cristo ay napagtagumpayan

si Cristo,” (Galacia 3:26–27) o sa ibang salita sa

pamamagitan ng pagbibinyag ay natanggap ang “kapangyarihang

maging mga anak na lalaki at babae ng Diyos.” [Tingnan sa

Mosias 5:7.] Sa pamamagitan ng paraang ito ninyo maiaangkop

ang inyong sarili sa nagbayad-salang dugo ni Cristo, upang makatanggap

kayo ng kapatawaran sa inyong mga kasalanan, at

mapadalisay ang inyong puso. [Tingnan sa Mosias 4:2.] Upang

maging karapat-dapat sa kapatawarang iyon matapos mabinyagan,

dapat kayong magpakumbaba at tumawag sa Panginoon

araw-araw at lumakad nang masigasig sang-ayon sa mga itinuturo

ng ebanghelyo. ...

. . .Tanging ang mga nagsisisi at nabinyagan para sa kapatawaran

ng kanilang mga kasalanan ang makaaasa ng ganap na biyaya

ng mapantubos na dugo ng kanyang pagbabayad-sala.

Ang Tagapagligtas mismo ay bininyagan ni Juan Bautista, tulad

nang sinabi Niya, “upang tuparin ang lahat ng kabanalan.”

(Mateo 3:15.) Kung ito ay nararapat sa Kanya, ano naman ang sa

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!