17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

167

KABANATA 15

sabi ko. Pagkatapos, sa loob ng isang buwan ay nakaharap ko ang

tukso na ibinabala ni inay. Hindi ako kailanman nagkaroon ng lakas

ng loob na bumalik at sabihin sa kanya na talagang tama siya,

gayunman nakaiwas ako dahil may nagbabala—ang aking ina. 9

Isang pamilya na binubuo ng aking lola, aking ina, at dalawa

o tatlo sa mga nakababatang anak ang nakaupo sa harap ng bukas

na pinto, nanonood sa dakilang pagpapamalas ng mga likas

na ingay habang rumaragasa ang isang bagyo malapit sa bundok

na kinatitirikan ng aming tahanan. Ang kislap ng magkakasunod

na kidlat na sinundan ng kagyat na malakas na tunog ng kulog

ay nagpahiwatig na may tinamaan ang kidlat di-kalayuan.

Nakatayo ako sa may pintuan nang walang anu-ano’y bigla

akong itinulak nang malakas ng aking ina kung kaya napahandusay

ako na nakatalikod sa may pintuan. Noon ding sandaling

iyon, isang matalim na kidlat ang dumaloy sa tsimenea ng kalan

at lumabas sa nakabukas na pintuan at tumama at humati mula

sa itaas hanggang sa ibaba ng malaking puno na nasa harapan

mismo ng bahay. Kung nanatili ako sa bukana ng pintuan, hindi

ko maisusulat ang kuwentong ito ngayon.

Hindi kailanman maipaliwanag ng aking ina ang kanyang napakabilis

na desisyon. Ang alam ko lamang ay naligtas ang buhay

ko dahil sa kanyang mabilis at dagliang pagkilos.

Makalipas ang mga taon, nang makita ko ang malalim na pilat

sa malaking punong iyon sa lumang tahanan ng aming pamilya,

ang tanging nasabi ng nagpapasalamat kong puso ay: Salamat sa

Panginoon sa mahalagang kaloob na iyon na masaganang taglay

ng aking sariling ina at ng marami pang matatapat na ina, at sa

pamamagitan nito’y nagiging napakalapit ng langit sa oras ng

pangangailangan. 10

Paano magagampanan ng mga ina ang kanilang tungkulin

sa pagtuturo ng ebanghelyo sa kanilang mga anak?

Ang puso ng ina ang silid-aralan ng isang anak. Ang mga tagubiling

natatanggap ng maliliit na anak mula sa kanilang ina, at

ang mga pangaral ng magulang kasama ang banal at matatamis

na alaala, ay hindi kailanman lubusang napapawi sa kaluluwa.

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!