17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

K A B A N A T A 1 8

Pagbibigay sa Paraan

ng Panginoon

Paano tayo magagabayan at mapagpapala ng mga

alituntuning inihayag ng Panginoon para sa temporal

na kapakanan ng Kanyang mga Banal?

Pambungad

Habang naglilingkod bilang pangulo ng istaka noong panahon

ng Matinding Kahirapan ng mga 1930, bumuo si Harold B.

Lee ng samahan sa kanyang istaka upang maibsan ang nakaaawang

kalagayan ng maraming miyembro. Sa huli’y nagunita pa

niya: “Nagtalu-talo kami tungkol sa gawaing pangkapakanan.

Kakaunti ang mga programa ng pamahalaan ukol sa trabaho; kakaunti

ang salapi ng Simbahan. . . . At heto kami kasama ang

4,800 sa 7,300 mga tao [sa istaka] na lubusan o kahit paano’y

umaasa sa tulong. Isa lamang ang maaari naming gawin, at iyon

ay isagawa ang programa ng Panginoon batay sa nakasaad sa mga

paghahayag.”

Noong 1935, ipinatawag si Pangulong Lee sa tanggapan ng

Unang Panguluhan at inatasang pamunuan ang pagsisikap na tulungan

ang mga nangangailangan sa buong Simbahan, gamit ang

kanyang naging karanasan sa kanyang istaka. Ito ang sinabi ni

Pangulong Lee tungkol sa karanasang ito:

“Dahil sa munti naming pagsisikap kung kaya ipinatawag ako

ng Unang Panguluhan sa kanilang tanggapan. Alam nilang mayroon

kaming kaunting karanasan. . . . Sinabi nilang pamunuan

ko ang kilos pangkapakanan upang mabago ang pagtanggap ng

tulong mula sa pamahalaan at direktang tulong, at tumulong na

ilagay ang Simbahan sa katayuan kung saan mapangangalagaan

nito ang mga miyembrong nangangailangan.

193

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!