17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

107

KABANATA 10

Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao.” [Efeso

4:13.] At muli nariyan ang kapangyarihan ng nakabababang pagkasaserdote

na mangasiwa sa iba pang mga ordenansa, gaya ng

mga kabataang lalaking ito na nangangasiwa at nagpapasa ng sakramento

sa gabing ito. Ang Pagkasaserdoteng Aaron, sabi ng

Panginoon, ay ang pagkasaserdote na “may hawak ng mga susi

ng paglilingkod ng mga anghel, at ng ebanghelyo ng pagsisisi, at

ng pagbibinyag sa pamamagitan ng paglulubog para sa kapatawaran

ng mga kasalanan,” [D at T 13:1] at ang batas ng makalupang

mga kautusan. Kung kaya. . .ang pagkasaserdote [ay]

kailangan sa hayag na layuning bigyan ng kapangyarihan ang

mga tinawag upang mangasiwa sa mga ordenansang kailangan

para makamit ang kaligtasang nilayon ng Panginoon para sa

Kanyang layunin. 5

Ang Panginoon ang siyang tunay na naghahari sa gitna ng kanyang

mga Banal sa pamamagitan ng kanyang pagkasaserdote, na

ipinapakatawan niya sa tao. 6

Paano dapat gamitin ang pagkasaserdote?

Sa dakilang paghahayag na kilala natin bilang ika-121 bahagi

ng Doktrina at mga Tipan, na ibinigay sa pamamagitan ng inspirasyon

ng Panginoon sa Propetang Joseph Smith, binanggit ng

Panginoon ang ilang napakahahalagang bagay. Sabi Niya ang pagkasaserdote

ay makokontrol lamang sa pamamagitan ng mga alituntin

ng kabutihan, at kung gagamitin natin ang katungkulan sa

pagkasaserdote sa di-wastong paraan upang “pagtakpan ang

ating mga kasalanan, o bigyang-kasiyahan ang ating kapalaluan,

ang ating walang kabuluhang adhikain, o gumamit ng lakas o kapangyarihan

o pamimilit. . .ang Espiritu ng Panginoon ay magdadalamhati.”

(Tingnan sa D at T 121:37.). . .

Ang kaparusahan kung gagamitin natin ang ating pagkasaserdote

sa kasamaan ay, ang kalangitan ay lalayo at ang Espiritu ng

Panginoon ay magdadalamhati. Kapag nawala na sa atin ang

Espiritu, ang ating awtoridad ng pagkasaserdote ay babawiin sa

atin at maiiwan tayong mag-isa “upang sumikad sa mga tinik,”

kapag naiinis tayo sa mga panghihikayat at tagubilin ng ating

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!