17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 21

yang paniniwala, sa kabila ng pamimilit ng barkada o ng samahan.

Sa kontrobersiya, ang kanyang paghatol ang huling pasiya

sa isang bagay at ang kanyang mahinahong payo ang sumusugpo

sa karahasan ng mga mandurumog. Hindi matayog ang kanyang

kaisipan; hindi siya mapagmayabang. “Siyang makupad sa pagkagalit

ay maigi kay sa makapangyarihan.” (Mga Kawikaan

16:32.) Siya’y likas na pinuno at pinili ng hukbong sandatahan at

hukbong pandagat, ng negosyo at simbahan upang mamuno

kung saan susunod ang ibang tao. Siya ang “asin” ng lupa at mamanahin

nila ito.

Maging mahabagin

Ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa habag na ipinakikita natin

sa iba. Ang malulupit at walang-habag mapapait na pananalita,

o mga walang kawawaang kilos ng kalupitan sa tao o hayop,

bagama’t tila pagganti lamang, ay hindi nagpapagindapat sa nagpasimuno

sa paghingi niya ng awa kapag nangailangan na siya ng

habag sa araw ng paghatol sa harapan ng makalupa at makalangit

na hukuman. Mayroon bang sinumang hindi nasaktan ng paninirang-puri

ng isang tao na inakala niyang kaibigan niya?

Naalaala ba ninyo ang pakikibaka ninyo upang maiwasan ang

paghihiganti? Mapapalad kayong lahat na mahabagin dahil makatatanggap

kayo ng pagkahabag!

Maging mapagpayapa

Ang mga tagapamayapa ay tatawaging mga anak ng Diyos. Ang

mga pinagmumulan ng gulo, ang kumakalaban sa batas at kaayusan,

ang pinuno ng mandurumog, ang lumalabag sa batas ay

nauudyukan ng masamang layunin at kung hindi sila titigil ay

makikilala sila bilang mga anak ni Satanas sa halip na sa Diyos.

Lumayo kayo sa nagiging sanhi ng mga pag-aalinlangan sa pamamagitan

ng pagwawalang-bahala sa mga sagradong bagay dahil

hindi kapayapaan ang hangad niya kundi ang palaganapin

ang kalituhan. Ang taong iyon ay palaaway o mahilig makipagtalo,

at ang pakikipagtalo ay para sa ibang kadahilanan sa halip

na palitawin ang katotohanan, ay lumalabag sa pangunahing alituntunin

na inilatag ng Guro na mahalaga sa pagkakaroon ng

masaganang buhay. “At sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kina-

238

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!