17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 8

kabagong propetang si Joseph Smith ang tunay na kaalaman

tungkol sa Diyos at sa Kanyang Anak, na ating Tagapagligtas.

Noon, bilang niluwalhating mga nilalang na nakapagsasalita at

nakikita ng tao, ay nakipag-usap sila sa kanya, na tila ipinamamalas

ang kanilang katunayan, habang pinasisimulan ang dispensasyon

ng kaganapan ng mga panahon, bilang paghahanda

sa ikalawang pagparito ng Panginoon upang maghari bilang

Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari sa pagsisimula

ng milenyo. 13

Sa tuwing nababawasan ang ating pananampalataya at kaalaman

ay ibinabalik ng Panginoon, sa Kanyang awa, ang higit na

kumpletong kaalaman tungkol sa Diyos at sa Kanyang Anak. At sa

tuwing magkakaroon ng pagbuhos ng banal na kaalaman hinggil

sa Ama at sa Anak ay sinasabi nating mayroon tayong bagong dispensasyon.

Gayundin noong panahon ni Adan; gayundin noong

panahon ni Abraham; noong panahon ni Moises; nang Siya’y

magpunta sa mga Nephita; sa mga tao ni Enoc; at kung kaya dumating

ang Tagapagligtas sa mga tao upang ituro sa kanila ang

kaugnayan ng Diyos at ng Anak ng Diyos. ...

Makabuluhan kung gayon, upang masimulan ang dispensasyon

ng kaganapan ng mga panahon, kung ano ang nagpasimula

nito? Ang paghahayag sa katauhan ng Diyos Ama at ng Anak sa

batang propetang si Joseph Smith. 14

“Si Joseph Smith, ang Propeta at Tagakita ng Panginoon, ay nakagawa

nang higit pa, maliban lamang kay Jesus, para sa kaligtasan

ng mga tao sa daigdig na ito, kaysa sa sinumang tao na

kailanman ay nabuhay” (D at T 135:3). Ngayon, maaaring isipin

ng ilan na labis naman ang pahayag na ito, ngunit [hindi] kapag

inisip natin ang ibinigay Niya sa atin sa pamamagitan ng kahanga-hangang

binatilyong ito na, sa loob lamang ng dalawang

taon ay napalitaw ang malaking tomo ng banal na kasulatan na

siyang ikalawang saksi sa misyon ng Panginoon, ang Aklat ni

Mormon. . . . Ang binatilyong ito, bagaman di nakapag-aral, ay pinakilos

ng kapangyarihan ng Makapangyarihang Diyos, isinalin

ang tala na mula sa di-kilalang wika tungo sa wikang nasa atin sa

ngayon, at dito natin matatagpuan ang kaganapan ng walangkatapusang

ebanghelyo. 15

88

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!