17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

65

KABANATA 6

dati, at bibigyan ka ng kasagutan sa iyong mga panalangin [tingnan

sa D at T 112:10]. 7

Itinuro ito sa amin ni Pangulong [David O.] Mckay sa templo

isang araw”. . . “May nais akong sabihin sa inyo: Kapag sinasabi

ng Panginoon ang dapat ninyong gawin, kailangang magkaroon

kayo ng lakas ng loob na gawin iyon, kundi’y mas mabuti pang

huwag na lang ninyo siyang tanungin muli.” Natutuhan ko rin

ang aral na ito. Minsan sa kalagitnaan ng gabi nagising ako at

hindi na makatulog hanggang sa bumangon ako sa higaan at isinulat

ang bagay na gumugulo sa aking isipan. Subalit kailangan

talaga ang lakas ng loob upang makakilos kapag inuutusan bilang

sagot sa mga panalangin. 8

Mag-ayuno ng dalawang kainan sa unang Linggo ng buwan at

bayaran ang buong halaga ng dalawang pagkaing iyon na hindi

ninyo kinain…. Sinabi ng Panginoon kay Isaias na ang mga magaayuno

at magbabahagi ng kanilang tinapay sa nagugutom, ay

makakatawag at sasagutin ng Panginoon, makadaraing at ang

Panginoon ay magsasabi, “Narito Ako” [tingnan sa Isaias 58:6–

9.] Iyan ang isang paraan upang magkaroon ng pakikipag-ugnayan

sa Panginoon. Subukan ninyo ito ngayong taon. Ipamuhay

nang ganap ang batas ng pag-aayuno. 9

Kapag kailangan tayong pumili sa dalawang desisyon, tandaan

natin ang sinabi ng Panginoon na dapat nating gawin: Pag-aralan

ang kabuuan nito sa ating isipan hanggang sa makapagpasiya;

bago kumilos, tanungin ang Panginoon kung tama ba ito; at

ituon ang ating sarili sa espirituwal na tugon—alin sa dalawa,

mag-aalab ang ating dibdib upang malaman na tama ang ating

pasiya, o magkaroon ng pagkatuliro ng pag-iisip na magiging dahilan

upang malimutan natin ang bagay na ito kung ito ay mali

[tingnan sa D at T 9:7–9.] Pagkatapos, tulad nang ipinangako ng

Panginoon,” . . .ang Espiritu ay ibibigay sa [atin] sa pamamagitan

ng panalangin nang may pananampalataya.” (D at T 42:14.). . .

Kung taimtim tayong maghahangad, maaabot natin ang espirituwal

na dimensyon para sa mga kasagutang magbibigay katiyakan

sa atin na hindi lamang maraming biyaya, kundi pati

dakilang saksi sa ating mga puso na ang ating mga kilos, ating

buhay, at ating mga paggawa ay may tatak ng pagsang-ayon ng

Panginoon at Tagapagligtas nating lahat. 10

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!