17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

221

KABANATA 20

Kapag nagkakasala tayo nababawasan ang ating pagiging epektibong

miyembro ng pamilya ng sangkatauhan. . . Maaaring masira

natin ang iba; maaari pa tayong gumanti sa pamilya ng

sangkatauhan sa baluktot na paraan na siyang magiging kabiguan

natin, at sa gayon ang paghihirap ng tao ay nadaragdagan.

Ang karumihan ng puri ng mga magulang ay makapagdudulot ng

magkakarugtong na reaksiyon na maaaring lumaganap sa mga

henerasyon, bagaman maaaring maiba ang uri ng galit at poot ng

mga bigong anak. Ang kawalan ng pagmamahalan sa tahanan ay

lumilikha ng mga reaksiyon na nakaaapekto sa ating lahat; malaki

ang kabayaran ng sangkatauhan sa ganitong uri ng kabiguan.

Ano ang higit na may kaugnayan sa mga pangangailangan ng pamilya

ng sangkatauhan maliban sa pagiging malinis natin, upang

magkaroon ng pagmamahalan sa tahanan—sa katunayan, upang

masunod ang bawat kautusan? 11

Walang sinumang lalaki o babae na may mataas na katungkulan

sa simbahan ngunit hindi nakaaabot sa mga pamantayang

inaasahang ipamuhay niya ang hindi makatatangay ng maraming

tao na nagtiwala sa kanya. Nasugatan niya ang kanilang konsiyensiya;

natangay niya pababa ang mga mas mahihina sa pananampalataya

at binibilang ng marami ang araw ng kawalan nila

ng pagmamahal sa simbahang ito kapag ang isang sinaligan nila

ay hindi nakaabot sa pamantayan na inaasahan nilang mapananatili

ng taong iyon. 12

Nabigyang-diin ko na ang kasamaan ng kasalanan; na ang kabayaran

ng kasalanan ay kamatayan at sa pamamagitan ng pagbabayad-sala

ng Panginoong Jesucristo, kayo na mga nagkasala

ay matatagpuan ang kapatawaran at landas tungo sa kagalakan sa

buhay na ito at kabuuan ng buhay sa kabila sa pamamagitan ng

tunay na pagsisisi. 13

Ano ang responsibilidad ng mga nagtataglay ng pagkasaserdote

na may kaugnayan sa batas ng kalinisang-puri?

Mga kapatid, kailangan tayong magpasiya muli na susundin

natin ang batas ng kalinisang-puri: at kung nakagawa man tayo

ng mga kamalian, simulan natin ngayon na ituwid ang mga pagkakamaling

ito. Lumakad tayo palapit sa liwanag; at sumasamo

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!