17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 11

tila iniisip na pinakamahalaga. Ngunit [ang templo] ay ang lugar

kung saan tayo umaakyat pataas at lampas sa usok at hamog ng

mga makalupang bagay na ito at natututuhan nating tahakin sa

pamamagitan ng mga walang hanggang bituin ng Diyos ang landas

na ligtas na aakay sa atin pauwi.” 1

Mga Turo ni Harold B. Lee

Anu-anong pagpapala ang matatanggap natin

sa bahay ng Panginoon?

Nagpupunta tayo [sa templo], tulad ng iniisip ko, upang tanggapin

ang kabuuan ng mga pagpapala ng Pagkasaserdote. . . .

Nagpupunta tayo sa Banal na Bahay na ito upang matuto, malaman

kung sino talaga ang Diyos, at kung paano makakamtan

ng bawat isa sa atin, para sa ating sarili, ang kadakilaan sa kanyang

kinaroroonan. ...

Dito natin sinisimulang ilatag ang batong pundasyon ng isang

walang hanggan at makalangit na tahanan, dahil nasa Simbahang

ito ang kapangyarihang magbuklod sa lupa upang iyon ay mabuklod

sa Langit. 2

Kahit paano’y kailangan nating maiparating ang katotohanang

iyan sa lahat ng ating mga tao, sa bata at matanda, na sa ating

mga banal na templo ang endowment sa templo ang tiyak na gabay

sa kaligayahan dito at sa buhay na walang hanggan sa daigdig

na darating. 3

Kapag pumasok kayo sa banal na templo, sa gayong landas ay

nagkakaroon kayo ng pakikipagkapatiran sa mga Banal sa walang

hanggang kaharian ng Diyos, kung saan walang hanggan ang panahon.

Sa mga templo ng inyong Diyos kayo’y pinagkalooban

hindi ng marangyang pamana ng mga kayamanan ng daigdig,

kundi ng kasaganaan ng mga walang hanggang kayamanan na dimatutumbasan

ang halaga.

Ang mga seremonya sa templo ay nilayon ng matalinong Ama

sa Langit na naghayag ng mga ito sa atin sa mga huling araw na

ito bilang gabay at proteksiyon sa buong buhay natin, upang

ikaw at ako ay hindi mabigo na magkamit ng kadakilaan sa kahariang

selestiyal, kung saan ang Diyos at si Cristo ay nananahanan.

118

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!