17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 2

ito ang gagawin kong mga tagapamahala; sapagkat siya ay nakatayo

sa mga espiritung yaon, at kanyang nakita na sila ay mabubuti;

at kanyang sinabi sa akin: Abraham, isa ka sa kanila; ikaw ay

pinili bago ka pa man isinilang.

“At may isang nakatayo sa kanila na tulad ng Diyos, at kanyang

sinabi sa mga yaong kasama niya: Bababa tayo, sapagkat may puwang

doon, at tayo ay magdadala ng mga sangkap na ito, at tayo

ay lilikha ng mundo kung saan sila makapaninirahan;

“At susubukin natin sila upang makita kung kanilang gagawin

ang lahat ng bagay anuman ang iutos sa kanila ng Panginoon nilang

Diyos;

“At sila na mga nakapanatili sa kanilang unang kalagayan ay

madaragdagan; at sila na mga hindi nakapanatili sa kanilang

unang kalagayan ay hindi magtatamo ng kaluwalhatian sa yaon

ding kaharian na kasama ng mga yaong nakapanatili sa kanilang

unang kalagayan; at sila na mga nakapanatili sa kanilang ikalawang

kalagayan ay magtatamo ng kaluwalhatiang idaragdag sa

kanilang mga ulo magpakailanman at walang katapusan.”

[Abraham 3:22–26.]

May ilang mahahalagang katotohanan na matatagpuan sa banal

na kasulatang iyan. Una sa lahat, kaunti lamang ang alam natin,

alaala lamang ng kung ano ang espiritu. Ang espiritu, narinig

ba ninyong sinabi ni Abraham, ay binuong katalinuhan. Ito ang

unang panimula sa ating pang-unawa ng kung ano ang espiritu.

Ito ay isang binuong katalinuhan na namuhay bilang espiritu

bago pa nilalang ang daigdig na ito. Ngayon ano naman ang hitsura

ng espiritu? Anong uri ng ideya ang mayroon kayo tungkol

sa espiritung iyon? Mangyari pa, nagbigay ang Panginoon sa pamamagitan

ni Propetang Joseph Smith, ng inspiradong sagot, na

ang bahagi ay mababasa nang ganito: “Na siyang espirituwal sa

anyo ng yaong temporal; at yaong temporal sa anyo ng yaong espirituwal.”

Ngayon makinig, “ang espiritu ng tao sa anyo ng kanyang

katauhan, at gayun din ang espiritu ng hayop, at ng lahat ng

iba pang kinapal na nilalang ng Diyos.” [D at T 77:2.]

Ngayon naman, nakikita ninyo ako dito bilang pisikal na taong

husto na sa kaisipan. May bahagi ang aking pagkatao na hindi nakikita

ng inyong pisikal na mga mata—ang espirituwal na bahagi

14

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!