17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

235

KABANATA 21

nais nating maging perpekto at matagpuan ang pagpapalang dulot

ng kagalakan ng kalooban.

Mapapalad ang mga mapagpakumbabang-loob.

Mapapalad ang nangahahapis.

Mapapalad ang nangagugutom at nangauuhaw sa katuwiran.

Mapapalad ang mga may malinis na puso. [Tingnan sa Mateo

5:3–4, 6, 8.]

Pagpapakumbabang-loob

Ang pagpapakumbabang-loob ay ang pagkadama na kayo

mismo ay espirituwal na nangangailangan, laging umaasa sa

Panginoon para sa inyong kasuotan, sa inyong pagkain at hangin

na nilalanghap, sa inyong kalusugan, inyong buhay; batid na walang

araw na lilipas nang walang taimtim na panalangin ng pasasalamat,

para sa patnubay at kapatawaran at sapat na kalakasan

para sa mga pangangailangan sa bawat araw. Kung mababatid ng

kabataan ang kanyang espirituwal na pangangailangan, kapag

nasa mapanganib na lugar kung saan ang buhay niya mismo ay

nanganganib, siya’y makalalapit sa bukal ng katotohanan at mabibigyang-inspirasyon

ng Espiritu ng Panginoon sa sandali ng pinakamalaking

pagsubok sa kanyang buhay. Tunay na

nakalulungkot para sa isang tao, na dahil sa yaman o natutuhan

o makamundong paninindigan, ang isipin na kaya niyang magisa

ang espirituwal na pangangailangang ito. [Ang pagpapakumbabang-loob]

ang kabaligtaran ng kapalaluan o kayabangan. . . .

Kung sa inyong kapakumbabaan ay madama ninyo ang inyong

espirituwal na pangangailangan, kayo ay handa na para ampunin

sa “Simbahan ng Panganay, at maging hinirang ng Diyos.”

[Tingnan sa D at T 76:54; 84:34.]

Mahapis

Upang mahapis, tulad ng ituturo dito ng aral ng Guro, kailangang

ipakita ng isang tao ang “pagkalumbay na ikapagsisisi” at

makamtan ng taong nagsisi ang kapatawaran ng mga kasalanan

at hindi na balikan pa ang mga gawain na dahilan ng kanyang

pagkahapis. [Tingnan sa II Corinto 7:10.] Ito ay upang makita,

tulad ni Apostol Pablo, ang “[kagalakan] sa ating mga kapigha-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!