17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

237

KABANATA 21

pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo,” at sa pamamagitan

ng kapangyarihan nito, “malalaman ninyo ang katotohanan

ng lahat ng bagay.” (Moroni 10:4–5.). . .

Maging malinis ang puso

Kung nais ninyong makita ang Diyos, kailangan ninyong maging

malinis. ... Ang ilan sa mga kasamahan ni Jesus ay nakita

lamang siya bilang anak ni Jose na karpintero. Inakala ng iba na

siya ay manginginom ng alak o lasenggo dahil sa kanyang mga salita.

Ang iba pa’y nag-akalang sinasapian siya ng mga demonyo.

Tanging ang mabubuti ang nakakita sa kanya bilang Anak ng

Diyos. Tanging kapag malinis ang inyong puso ninyo makikita

ang Diyos, at sa mas mababang antas ay makikita ninyo ang

“Diyos” o ang kabutihan sa tao at mamahalin siya dahil sa kabutihan

na nakikita ninyo sa kanya. Tandaan ninyong mabuti ang

taong pumupuna at kumukutya sa tao ng Diyos o sa hinirang na

mga pinuno ng Panginoon sa kanyang Simbahan. Ang gayong

tao ay nagsasalita nang may maruming puso.

Ngunit upang makapasok sa Kaharian ng Langit hindi lamang

tayo dapat maging mabuti kundi kailangan nating gumawa ng

kabutihan sa mundo at maging mabuti sa isang bagay. Kaya kung

araw-araw kayong lalakad tungo sa layunin ng pagiging perpekto

at kabuuan ng buhay, dapat maituro sa inyo ang natitirang apat

na “artikulo” sa Konstitusyon ng Guro para sa perpektong buhay.

Ang mga lubos na pagpapalang ito ay may kaugnayan sa pakikitungo

ng tao sa iba:

Mapapalad ang maaamo.

Mapapalad ang mga mahabagin.

Mapapalad ang mga mapagpayapa.

Mapapalad ang mga pinaguusig. [Tingnan sa Mateo 5:5, 7, 9–10.]

Maging maamo

Ang ibig sabihin ng taong maamo ay taong hindi madaling magalit

o mainis at mapagtiis kapag dumanas ng pinsala o pagkabagot.

Ang kaamuan ay hindi kasing-kahulugan ng kahinaan. Ang

maamong tao ang matatag, ang malakas, ang taong may lubos na

pagpipigil sa sarili. Siya ang taong may lakas ng loob mula sa kan-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!