17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 19

tuwal na pagkatuto o pagsulong sa kabutihan. Ito ang mga palatandaan

ng espirituwal na panghihina at espirituwal na karamdaman

na magagamot lamang ng wastong pagpapakain sa espiritu.

Nawa’y huwag nating hangarin na bilang karagdagan sa ating

mga gawain sa pagsamba sa Araw ng Panginoon ay mabawasan

din ang nakayayamot na gawain sa tahanan, at sa labas ng tahanan

lamang gawin ang mahahalagang gawain. Gawin itong araw

na may panalangin at taimtim na pag-aaral ng mga banal na kasulatan

at ng iba pang mabubuting aklat. Habang napupuno ng

kagalakan sa Sabbath, sumulat ng liham sa inyong kasintahan o

sa mahal sa buhay o kaibigan na nasa malayo na maaaring nangangailangan

ng inyong espirituwal na kalakasan. Gawing lugar

ng pag-aawitan at pagtugtog ng magagandang musika na naaayon

sa diwa ng araw na iyon ang inyong mga tahanan. Sa pagtatapos

ng gabi habang nagtitipon kayong pamilya o kasama ang

mga kaibigan, talakayin ang mahahalagang katotohanan ng

ebanghelyo at tapusin ito sa pamamagitan ng panalangin ng

mag-anak. Napag-alaman ko batay sa aking karanasan na ang paramdam

ng konsiyensiya sa matapat na miyembro ng Simbahan

ang pinakaligtas na palatandaan ng kung ano ang labag sa diwa

ng pagsamba sa Araw ng Sabbath.

. . .Ngunit huwag ninyong akalain na ang mahigpit na pagtupad

sa batas ng Sabbath lamang ay sapat na upang panatilihing

malusog ang inyong espiritu. Ang bawat araw ng linggo ay kailangang

magbigay ng pagkain sa inyong espiritu. Ang mga lihim at

pangmag-anak na panalangin, ang pagbabasa ng mga banal na

kasulatan, pagmamahalan sa inyong tahanan at ang araw-araw na

di-makasariling paglilingkod sa iba ay tulad ng tinapay na mula

sa langit na magpapakain sa inyong kaluluwa. Ang pagdaraos ng

lingguhang Gabing Pantahanan ng Mag-anak ay isa pang malakas

na puwersa sa kabutihan sa tahanan. ...

Kung kaya sumasamo ako sa inyo na huwag ipagkait sa inyong

espiritu ang mahalagang kalakasan na iyon sa pamamagitan ng

paglabag sa Araw ng Sabbath, sa halip ay taos-puso ko kayong hinihimok

na mamuhay nang karapat-dapat sa bawat araw upang

makatanggap kayo mula sa bukal ng liwanag, ng sapat na pangangalaga

at kalakasan sa araw-araw na pangangailangan. 6

210

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!