17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 22

“Ang landas tungo sa [kadakilaan] ay baku-bako at matarik..

Marami ang natitisod at nadadapa, at dahil sa kahinaan ng loob

ay di na tumatayo pa upang muling magsimula. Nalalambungan

ng mga puwersa ng kasamaan ang landas sa pamamagitan ng

makapal na hamog na humahadlang, na kadalasang nagsisikap

na iliko tayo sa mga nakaliligaw na landas. Subalit sa kabila ng lahat

ng paglalakbay na ito,” ang pagtiyak ni Pangulong Lee, “ay

may nakapagpapayapang katiyakan na kung pipiliin natin ang

tama, mapapasaatin ang tagumpay, at ang pagkakamit nito ang

huhubog at bubuo at lilikha sa atin sa uri ng taong karapat-dapat

na tanggapin sa kinaroroonan ng Diyos. Ano bang tagumpay ang

hihigit pa kaysa makamtan ang lahat ng mayroon ang Diyos?” 4

Mga Turo ni Harold B. Lee

Paano tayo tinutulungan ng paghihirap na maging

higit na katulad ng Diyos?

May nakapagpapadalisay na proseso na nagmumula sa pagdurusa,

sa palagay ko, na hindi natin mararanasan sa ibang paraan

maliban sa pagdurusa. . . . Nagiging mas malapit tayo sa Kanya

na nag-alay ng Kanyang buhay upang ang tao ay maging gayon

nga. Nadarama natin ang ugnayang-pampamilya na di natin nadama

noon. . . . Nagdusa Siya nang higit sa maaari nating maisip.

Subalit sa ating naging pagdurusa, kahit paano tila ang epekto

nito ay ilapit pa tayo sa banal na bagay, tumutulong sa pagdadalisay

ng ating kaluluwa, at tumutulong sa pag-aalis ng mga bagay

na hindi kanais-nais sa paningin ng Panginoon. 5

Sinabi ni Isaias: “Ngunit ngayon, O Panginoon, ikaw ay aming

Ama; kami ang malagkit na putik, at ikaw ay magpapalayok sa

amin; at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.” (Isaias 64:8.)

Maraming ulit ko nang nabasa ang talatang iyan ngunit natanggap

ko lamang ang buong kahulugan nito noong ako ay nasa

Mexico ilang taon na ang nakalilipas, sa Telacapaca, kung saan

hinuhubog ng mga tao ang luwad sa iba’t ibang uri ng palayok.

Nakita ko sila doon na kumukuha ng luwad na hinahalo sa magaspang

at sinaunang pamamaraan, habang ang tagahulma ay

nakalusong sa putik upang maihalo itong mabuti. Pagkatapos ay

inilalagay ito sa hulmahan ng magpapalayok at sinisimulan ng

242

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!