17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 4

paggabay at tagubilin mula sa Espiritu Santo ay tulad ng pagiging

espirituwal na isinilang muli. 15

Sa mga pangunahing alituntunin ng ebanghelyo—pananampalataya,

pagsisisi, pagbibinyag, at pagtanggap ng Espiritu Santo,

kung saan ang lahat ng kapangyarihan ay maihahayag— masisimulan

nating maunawaan kung ano ang maaaring gustong sabihin

ni Propetang Joseph Smith nang sa isang pagkakataon ay

tinanong siya kung bakit kakaiba ang simbahang ito sa ibang simbahan—sapagkat

mayroon tayong Espiritu Santo. [Tingnan sa

History of the Church, 4:42.] Dahil nasa atin ang kapangyarihan

kung saan ang lahat ng bagay ay maihahayag, naririto ang kabuuan

ng ebanghelyo ni Jesucristo ay maitatatag. 16

Paano tayo makapagtitiis hanggang sa wakas?

Anu-ano ang mga batas at ang paraan na matatanggap natin

[ang pagpapala ng selestiyal na kaluwalhatian]? Una, mayroon

tayong pangunahing alituntunin at ordenansa ng ebanghelyo—

pananampalataya, pagsisisi, pagbibinyag, at ang Espiritu Santo;

at sa kaharian ng Diyos ay may mga batas na nagtuturo sa atin ng

landas patungo sa pagiging perpekto. Sinumang miyembro ng

Simbahan na natutuhang ipamuhay nang perpekto ang bawat isa

sa mga batas na ito na nasa kaharian ay natututuhan ang landas

patungo sa pagiging perpekto. Walang miyembro ng Simbahang

ito ang hindi makapamumuhay ng batas, sa perpektong paraan.

Matututo tayong lahat na makipag-usap sa Diyos sa panalangin.

Matututuhan nating lahat na ganap na ipamuhay ang Salita ng

Karunungan. Matututuhan nating lahat na mapanatiling banal

ang araw ng Pangilin, nang perpekto. Matututuhan nating lahat

na ganap na tuparin ang batas ng pag-aayuno. Alam natin kung

paano ganap na masusunod ang batas ng kalinisang-puri.

Ngayon habang pinag-aaralan nating masunod nang perpekto

ang isa sa mga batas na ito tayo mismo ay nasa landas na ng pagiging

perpekto. 17

Maaaring tanungin ninyo ako, paano pinapabanal ng isang tao

ang kanyang sarili, at gagawing dakila ang kanyang sarili upang

maging handa siya na lumakad sa kinaroroonan ng

40

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!