17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

229

KABANATA 21

“. . .Kung gayo’y huwag palampasin ang bawat araw nang

hindi natin natututuhan mula sa dakilang aklat ng aralin na siyang

buhay ni Cristo, ang kanyang landas tungo sa perpektong

buhay at lumakad tayo doon patungo sa ating walang hanggang

mithiin.” 1

Mga Turo ni Harold B. Lee

Paano nakatutulong sa atin sa pagiging perpekto

ang pagkaunawa sa bagay na wala sa atin?

[May] tatlong mahahalagang bagay na kailangan upang mabigyang-inspirasyon

ang isang tao na mamuhay nang tulad ni

Cristo—o, sa mas wastong salita ayon sa wika ng mga banal na

kasulatan, mamuhay nang mas perpekto tulad ng pamumuhay

ng Guro. Ang unang mahalagang bagay na aking babanggitin

upang maging karapat-dapat ay: Kailangang mapukaw sa taong

tuturuan o mamumuhay nang perpekto ang kabatiran sa kanyang

mga pangangailangan.

Ang mayamang lalaking pinuno ay hindi kinailangang turuan

ng pagsisisi na bunga ng pagpatay o kaya’y ng kaisipang pumatay.

Hindi na siya kailangang turuan pa kung paano pagsisisihan

ang pangangalunya, o pagnanakaw, pagsisinungaling, pandaraya,

o pagkabigong igalang ang kanyang ina. Lahat ng ito sabi

niya ay nasunod niya mula pa sa pagkabata; ngunit ang tanong

ay, “Ano pa ang kulang sa akin?” [Tingnan sa Mateo 19:16–22.]

Napag-alaman lahat ng Guro, sa pamamagitan ng Kanyang

matalas na pakiramdam at kapangyarihan ng isang Dakilang

Guro, ang kalagayan ng lalaki: Ang kailangan niya at kakulangan

ay ang mapaglabanan ang kanyang pagpapahalaga sa mga bagay

ng mundo, ang tendensiya na magtiwala siya sa kayamanan.

Pagkatapos ay ipinayo ni Jesus ang mabisang kalutasan: “Kung

ibig mong maging sakdal, humayo ka, ipagbili mo ang tinatangkilik

mo, at ibigay mo sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan

sa langit: at pumarito ka, sumunod ka sa akin.”

(Mateo 19:21.)

Sa mahimalang pagbabalik-loob ni Apostol Pablo, nang pisikal

siyang mabulag ng liwanag habang nasa daan patungong

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!