17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

PAMBUNGAD

“Ang mga batas ng Diyos na ibinigay sa sangkatauhan ay nakapaloob

sa plano ng ebanghelyo, at ang Simbahan ni Jesucristo

ang responsable sa pagtuturo ng mga batas na ito sa daigdig.” 5

“Nawa’y matanim na mabuti sa inyong mga puso ang mga aralin

na patuloy na magtutuon sa inyong mga mata sa walang

hanggang layunin, upang hindi kayo mabigo sa misyon sa buhay,

nang sa gayon, kung maging maikli man o mahaba ang inyong

buhay, ay maging handa kayo kapag dumating na ang araw na papasok

kayo sa kinaroroonan Niya na ang pangalan ay inyong tinataglay

bilang miyembro ng Simbahan ni Jesucristo nitong mga

huling araw.” 6

Ang bawat kabanata sa aklat na ito ay kinabibilangan ng apat

na bahagi: (1) isang tanong na maikling nagpapakilala sa paksa

ng kabanata; (2) ang “Pambungad,” na naglalarawan sa mga

mensahe ng kabanata na may kasamang kuwento o payo mula

kay Pangulong Lee; (3) “Mga Turo ni Harold B. Lee,” na naglalahad

ng mahahalagang doktrina mula sa marami niyang mensahe

at sermon; at (4) “Mga Mungkahi sa Pag-aaral at Talakayan,” na,

sa pamamagitan ng mga tanong, ay naghihikayat ng personal na

pagbabalik-aral at pag-aaral, karagdagang talakayan, at paggamit

ng mga ito sa ating buhay.

Paano Gamitin ang Aklat na Ito

Para sa pansarili at pampamilyang pag-aaral. Ang aklat na

ito ay nilayon na makaragdag sa pagkakaunawa ng bawat miyembro

sa mga alituntunin ng ebanghelyo na mahusay na itinuro

ni Pangulong Harold B. Lee. Sa pamamagitan ng pagbabasa

nang may panalangin at ng mapag-isip na pag-aaral, ang bawat

miyembro ay makatatanggap ng sariling patotoo sa mga katotohanang

ito. Makadaragdag din ang aklat na ito sa aklatang pangebanghelyo

ng bawat miyembro at magsisilbing mahalagang

mapagkukunan sa pagtuturo sa pamilya at pag-aaral sa tahanan.

Para sa talakayan sa mga pulong sa araw ng Linggo. Ang aklat

na ito ang teksto para sa pulong sa araw ng Linggo ng korum

ng Pagkasaserdoteng Melquisedec at Samahang Damayan.

Itinuro ni Elder Dallin H. Oaks na ang mga aklat sa seryeng Mga

Turo ng mga Pangulo ng Simbahan ay naglalaman ng mga dok-

vi

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!