17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 23

“Nalaman ko dahil sa kakaibang uri ng patotoo na dumating

sa akin noong nakaraang linggo. Pagkatapos ay may nagtanong,

‘Paano mo nalaman? Nakita mo ba?’ Masasabi kong mas malakas

kaysa paningin ng tao ang patotoo na nagmumula sa kapangyarihan

ng Espiritu Santo na nagpapatotoo sa ating espiritu na si

Jesus ang Cristo, ang Tagapagligtas ng daigdig.” 1

Mga Turo ni Harold B. Lee

Paanong ang katunayan ng pagkabuhay na mag-uli

ay “pangakong nakapagpapasaya”?

“Datapuwa’t nang unang araw ng sanglinggo, pagkaumagangumaga,

ay nagsiparoon sila sa libingan. ... Nasumpungan nilang

naigulong na ang bato mula sa libingan. At sila’y nagsipasok, at

hindi nila nangasumpungan ang bangkay ng Panginoong Jesus.

At nangyari, na samantalang sila’y nangatitilihan dahil dito, narito,

tumayo sa tabi nila ang dalawang lalake na nakasisilaw ang

mga damit! At nang sila’y nangatatakot at nangakatungo ang kanilang

mga mukha sa lupa ay sinabi nila sa kanila, Bakit hinahanap

ninyo ang buhay sa gitna ng mga patay? Huwag kayong

mangatakot; sapagka’t nalalaman ko na inyong hinahanap si

Jesus na ipinako sa krus.

“Siya’y wala rito; sapagka’t siya’y nagbangon, ayon sa sinabi

niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng

Panginoon.

“At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin

ninyo, Siya’y nagbangon sa mga patay; at narito, siya’y nangunguna

sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito,

nasabi ko na sa inyo.” [Tingnan sa Lucas 24:1–7; Mateo 28:5–7;

Marcos 16:5–7.]

Sa gayong paraan itinala ng mga manunulat ng ebanghelyo

nina Mateo, Marcos, at Lucas ang pinakadakilang pangyayari sa

kasaysayan ng daigdig, ang literal na pagkabuhay na mag-uli ng

Panginoong Jesucristo, ang Tagapagligtas ng sangkatauhan.

Ipinakita sa kagila-gilalas na paraan ang pinakadakila sa lahat ng

banal na kapangyarihan ng nagkatawang-tao na Anak ng Diyos.

254

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!