17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

51

KABANATA 5

Sa madaling salita, ang pag-aaral sa pamamagitan ng pananampalataya

ay hindi madali para sa isang tamad na tao. May

nagsabi, sa katunayan, na ang ganoong proseso ay nangangailangan

ng paghubog ng buong kaluluwa, ang pagpukaw sa pinakamalalim

na kaisipan ng tao at pag-uugnay nito sa Diyos—ang

tamang pagdurugtong ay dapat mabuo. Doon lamang darating

ang “kaalaman sa pamamagitan ng pananampalataya.” 15

Ano ang magagawa natin upang mapalakas

ang ating mga patotoo?

[Sinabi nga Panginoon kay Pedro] “Hiningi ka ni Satanas

upang ikaw ay maligalig niyang gaya ng trigo: Datapwa’t ikaw ay

ipinamanhik ko, na huwag magkulang ang iyong pananampalataya;

at ikaw kung makapagbalik ka nang muli, ay papagtibayin

mo ang iyong mga kapatid” (Lucas 22:31-32). Ngayon, pansinin

ninyo, sinasabi Niya iyon sa pinakapinuno sa Labindalawa.

Ipinananalangin ko kayo; ngayon humayo kayo at magbalik-loob

at kapag kayo ay nakapagbalik-loob na, ay humayo kayo at papagtibayin

ninyo ang inyong kapatid. Ang ibig sabihin [maaari tayong]

hindi makapagbalik-loob tulad din naman na maaari

tayong magbalik-loob. Ang inyong patotoo ay isang bagay na maaaring

mayroon kayo ngayon subalit maaaring hindi laging mayroon

kayo nito. 16

Ang patotoo ay kasing-ilap ng hamog; kasing rupok ito ng orkidyas;

kinakailangang lagi ninyo itong angkinin, muli at muli, sa

bawat umaga ng inyong buhay. Kailangang panatilihin ninyo ito

sa pamamagitan ng pag-aaral, at pananampalataya, at panalangin.

Kung pahihintulutan ninyong magalit ang inyong sariling,

pahihintulutan ninyo ang inyong sarili na mapasama sa maling

samahan, makikinig kayo sa maling uri ng mga kuwento, kayo ay

mag-aaral ng maling uri ng mga paksa; kayo ay abala sa mga

maling gawa, wala nang higit na nakapanlulumo kaysa iwanan

kayo ng Espiritu ng Panginoon hanggang sa tila ba lumayo kayo

mula sa maliwanag na silid sa pag-alis ninyo sa gusaling ito, na

para bang nagtungo kayo sa kadiliman. 17

Ang taglay mo ngayong patotoo ay maaaring mawala sa iyo

bukas maliban kung mayroon kang gagawin ukol dito. Ang

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!