17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

243

KABANATA 22

magpapalayok ang mabutinting na paggawa ng palayok, na kanyang

ibebenta sa palengke. Habang nanonood kami, paminsanminsa’y

nakita namin, dahil sa ilang depekto sa paghahalo, na

kailangang paghiwa-hiwalayin ang luwad at ibalik ito upang mahalo

muli, at minsan ang proseso ay kailangang ulitin nang ilang

beses bago mahalong mabuti ang putik.

Habang nasa isip iyan ay nagsimula kong makita ang kahulugan

ng banal na kasulatang ito. Oo, tayo rin ay kailangang subukan

sa pamamagitan ng kahirapan, ng karamdaman, ng

kamatayan ng mga mahal sa buhay, ng tukso, minsan ng pagkakanulo

ng itinuturing na mga kaibigan, ng katanyagan at kayamanan,

ng katiwasayan at luho, ng mga maling ideya ng

edukasyon, at ng pambobola ng daigdig. Isang ama, na nagpapaliwanag

nito sa kanyang anak, ang nagsabi:

“At upang maisagawa ang kanyang mga walang hanggang layunin

sa kahihinatnan ng tao, matapos na kanyang malikha ang

ating mga unang magulang, at ang mga hayop sa parang at ang

mga ibon sa himpapawid, at sa lalong maliwanag, lahat ng bagay

na nilikha, ay talagang kinakailangan na may isang pagsalungat;

maging ang ipinagbabawal na bungang-kahoy na kasalungat ng

punungkahoy ng buhay; ang isa ay matamis at ang isa ay mapait.”

[2 Nephi 2:15.]

Si Propetang Joseph Smith ang nagsabi, sa pagsasalita ukol sa

prosesong ito ng pagpapadalisay, na siya’y tulad ng isang malaki

at magaspang na bato na gumugulong sa gilid ng bundok, at ang

tanging pagpapakintab na natanggap niya ay nang makiskis sa

ibang bagay ang ilang magagaspang na sulok, kung saan natanggal

ang mga sulok na iyon. Ngunit, sabi niya, “Sa gayon ako magiging.

. .makintab na hawakan sa sisidlan ng Makapangyarihan,”

[History of the Church, 5:401.]

Samakatwid, kailangan tayong mapadalisay; kailangan tayong

subukan upang mapatunayan ang lakas at kapangyarihan na

nasa atin. 6

Sa patnubay ng pananampalatayang itinuro ng salita ng Diyos,

nakikita natin ang buhay bilang isang malaking proseso ng pagsasanay

ng kaluluwa. Sa palaging nakasubaybay na tingin ng mapagmahal

na Ama, natututo tayo sa “mga bagay na ating

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!