17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 23

Galilea, o sa kulungan, o sa kamatayan. Malalapit na sa kanya ang

kanyang Panginoon. 7

Alam ko. . .ang ibig sabihin ng makadama ng nakasisirang pagkawasak

na dulot ng kalungkutan sa pagkawala ng mahal sa buhay.

Sa buhay ko, tinawag ako at sinikap kong aliwin ang mga

nagdadalamhati, ngunit nang sandaling ako na mismo ang bumibigkas

sa mga salitang aking sinasabi sa iba, noon ko lamang

nakita ang isang bagay na hindi maipaliwanag ng mga salita, na

kailangang madama o maranasan sa kaibuturan ng kaluluwa

bago makapagbigay ng tunay na kaaliwan ang isang tao.

Kailangan mong makita ang bahagi ng iyong sarili na nakabaon

sa hukay. Kailangan mong makitang mamatay ang isang mahal sa

buhay at pagkatapos ay tanungin ang iyong sarili—

Pinaniniwalaan mo ba ang itinuturo mo sa iba? Nakatitiyak ka ba

na talagang buhay ang Diyos? Naniniwala ka ba sa Pagbabayadsala

ng Panginoon at Guro—na binuksan Niya ang mga pintuan

sa pagkabuhay na mag-uli sa mas maluwalhating buhay? Minsan

kapag mag-isa tayong nakatayo sa kawalan, doon kailangang maging

malalim ang ating patotoo upang hindi tayo mawasak at bumagsak

sa tabi ng daan.

Tulad ng sinabi ng asawa ni Job, “Ba’t di mo itakwil ang Dios

at mamatay ka.” [Tingnan sa Job 2:9.] Ngunit sa karingalan ng

pagdurusa ni Job, nagbigay siya ng pahiwatig sa isang bagay na

sa palagay ko’y hindi kumpleto ang serbisyo sa paglilibing kung

hindi ito uulitin. Sabi niya, “Talastas ko na manunubos sa akin ay

buhay, at siya’y tatayo sa lupa sa kahulihulihan; at pagkatapos na

magibang ganito ang aking balat, gayon ma’y makikita ko ang

Dios sa aking laman: Siyang makikita ko ng sarili, at mamamasdan

ng aking mga mata, at hindi ng iba; ang aking puso ay natutunaw

sa loob ko.” [Job 19:25–27.] Kayong mga tao sa ngayon,

kung alam ninyong matatag ang inyong kaluluwa sa banal na patotoong

iyon na Siya’y buhay at sa huling araw Siya ay tatayo sa

ibabaw ng mundong ito at makikita ninyo Siya nang harap-harapan—kung

alam ninyo iyan, ano man ang panganib at responsibilidad

at mga kasawiang-palad na dumating—kung itatayo

ninyo ang inyong bahay sa ibabaw ng bato, hindi kayo magaalangan.

Oo, daranasin ninyo ang nakasisindak na karanasan ng

260

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!