17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 9

katala sa mga banal na kasulatan. Ang kaayusang ito ng pamamahala

ay nagsimula sa Eden. Inatasan ng Diyos si Adan na pamahalaan

ang mundo at binigyan siya ng batas. Ipinagpatuloy ito

sa regular na paghalili mula kay Adan hanggang kay Noe at mula

kay Noe hanggang kina Melquisedec, Abraham, Isaac, Jacob,

Jose, Moises, Samuel na propeta, Juan, Jesus, at Kanyang mga

Apostol, lahat at bawat isa sa kanila ay hinirang ng Panginoon at

hindi ng mga tao.

Totoo na ang mga tao ay may tinig sa pamamahala ng kaharian

ng Diyos, ngunit una sa lahat ay hindi sila ang naggagawad ng

awtoridad, ni hindi nila mababawi ito. Halimbawa: Hindi inihalal

ng mga tao ang labindalawang Apostol ni Jesucristo, ni hindi

rin nila maipagkakait sa kanila ang pagka-apostol sa pamamagitan

ng maramihang boto. Dahil umiral noong sinauna ang pamamahala

sa kaharian, kung kaya ipinanumbalik ito ngayon.

Hindi pinili ng mga tao ang dakilang makabagong Propeta at

Apostol na si Joseph Smith, kundi ang Diyos ang pumili sa kanya,

sa karaniwang paraan ng pagpili Niya sa iba na nauna kay

Joseph—sa pamamagitan ng pangitain at sa Kanyang sariling tinig

mula sa mga kalangitan. 11

Batid ko dahil pinag-iisipan ko ang responsibilidad na ito [bilang

propeta] at sa pagiging malapit sa mga Kapatid sa paglipas

ng mga taon, na ang taong nasa ganitong posisyon ay palaging

minamatyagan Niya na ating pinaglilingkuran. Hindi Niya kailanman

papayagan ang sinumang nasa posisyon na iligaw ang simbahang

ito. Makatitiyak kayo diyan. Kapag iniisip ko ang proseso

ng kung paano nagkakaroon ng pamumuno ang isang tao sa

Simbahan, naiisip ko ang sarili kong karanasan sa loob ng tatlumpu’t

isa’t kalahating taon, at ang lahat ng mga situwasyong

naranasan ko sa aking buhay—ito’y kagila-gilalas na programa sa

pagsasanay! Nang magkaroon ng pagbabago sa Unang

Panguluhan, inihambing ko ito sa paraan ng pagluluklok ng mga

partido sa pulitika sa pangulo ng Estados Unidos, o ang pasinaya

ng isang hari, upang makita kung paano, sa plano ng Panginoon,

nagagawa ang mga pagbabagong ito nang walang matinding hinanakit

at walang awayan. Nakatakda ang plano at hindi nagkakamali

ang Panginoon, gayon ang sabi Niya sa atin. 12

98

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!