17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

267

KABANATA 24

makapapasok sa “kapahingahan ng Panginoon,” kung aling kapahingahan

“ay kaganapan ng kaluwalhatian ng Panginoon.”

[Tingnan sa D at T 84:24.] 8

Sinabihan tayo mula sa mga inspiradong panulat na “ang ating

mga salita ang hahatol sa atin (o magpapadakila sa atin), . . .[ang]

ating mga gawa ang hahatol sa atin (o mag-aangat sa

atin). . .[tingnan sa Alma 12:14], kapag dinala na tayo sa harapan

ng Dakilang Hukom nating lahat, nawa’y upang tumanggap ng

mga papuri ng Guro: “Mabuting gawa, mabuti at tapat na alipin.”

[Mateo 25:21.] Salungat sa karaniwang konsepto ng mga tagasunod

ng relihiyon, na ang Apostol Pedro ang tanod sa pintuan tungo

sa buhay pagkatapos nito, sinabihan tayo na “ang Banal ng

Israel ang tanod sa pasukan; at wala siyang inuupahang tagapaglingkod

doon.” (2 Nephi 9:41.) 9

Ang pinakamatinding impiyerno na maaaring danasin ng isang

tao ay ang pag-aapoy ng konsiyensiya ng isang tao. Sinasabi ng

mga banal na kasulatan na hahatulan siya ng kanyang konsiyensiya,

magkakaroon siya ng malinaw na alaala ng kanyang buong

buhay (tingnan sa Alma 12:14; 11:43). Matatandaan ninyo na sa

mga banal na kasulatan ay binabanggit ang tungkol sa aklat ng

buhay ng Cordero, na talaan ng buhay ng tao na iningatan sa langit.

. . . Ang tao ay hahatulan batay sa mga talaan na naglalaman

ng kanilang buhay. (Tingnan sa D at T 128:6–7.) Ngayon, kapag

di natin nakamtan ang pinakamataas na antas ng kaluwalhatian

at nabatid na ang nawala sa atin, magkakaroon ng pag-aapoy ng

konsiyensiya na mas matindi pa kaysa anumang uri ng pisikal na

apoy na sa palagay ko’y daranasin ng tao. 10

Sa pagdaraan natin sa mga pintuan ng kamatayan. . .sasabihin

Niya sa atin, “Tinaglay ninyo ang aking pangalan. Ano ang ginawa

ninyo sa aking pangalan? Nagdulot ba kayo ng kahihiyan sa

pangalan ng Panginoong Jesucristo, bilang miyembro ng aking

simbahan?” Isipin ninyo ang pagsimangot, isipin ang pag-iling ng

Kanyang ulo at pagtalikod at paglakad palayo. . . . Ngunit isipin

naman na kapag nakita natin Siya ay may maliwanag na ngiti sa

Kanyang mukha. Yayakapin Niya tayo at sasabihin sa ating, “Anak

ko, naging matapat ka sa mundo. Napanatili mo ang pananampalataya.

Natapos mo ang iyong gawain. Mayroong koronang inihanda

para sa isang tulad mo sa aking kaharian.” [Tingnan sa

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!