17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

197

KABANATA 18

paghatol. Maaaring mayaman siya sa mabubuting halimbawa.

Maaaring mayaman siya sa paniniwalang magiging mabuti ang lahat,

at sa marami pang katangian na kailangan. At kapag sama-samang

nagkaisa ang indibiduwal na mga miyembro ng korum ng

Pagkasaserdote, karaniwa’y nakikita natin ang lahat ng kakaibang

katangian na kailangan upang itaas ang mga nangangailangan at

naliligalig nang may pagmamalaki at kagalakan sa tagumpay sa

nagawa. Wala nang iba pang mas perpektong pagsasagawa ng

plano ng Panginoon kaysa diyan.

Ngayon, tandaan din ninyo ito, na maraming ulit nang sinabi

ng Panginoon sa atin na ang layunin ng lahat ng kanyang gawain

ay espirituwal. Naaalala ba ninyo ang sinabi niya sa ika-29 na bahagi

ng Doktrina at mga Tipan?

“Dahil dito, katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang lahat ng

bagay sa akin ay espirituwal, at hindi kailanman ako nagbigay ng

batas sa inyo na temporal; ni kanino mang tao, ni sa mga anak

ng tao; ni kay Adan, na inyong ama, na aking nilikha” (Doktrina

at mga Tipan 29:34).

. . .Ang lahat ba ng inyong ginagawa ay nakatuon sa kaluwalhatian

ng indibiduwal na iyon, ang pagtatagumpay sa huli ng

kanyang espirituwal na katauhan sa kanyang pisikal na katauhan?

Ang buong layunin ng Panginoon sa buhay ay tulungan at gabayan

tayo upang sa huling sandali ng ating buhay ay maihanda

tayo para sa selestiyal na mana. Hindi ba’t iyon nga ‘yon?

Maibibigay ba ninyo ang bawat basket ng pagkain na inyong ibibigay,

magagawa ba ninyo ang bawat paglilingkod na inyong gagawin

na taglay sa isipan ang dakilang layuning ito? Ito ba ang

paraan ng paggawa nito upang matulungan ang aking kapatid na

makamtan at mapanghawakan nang mas mainam ang kanyang

selestiyal na mana? Iyan ang layuning itinakda ng Panginoon. 2

Malaki ang kahalagahan ng programang pangkapakanan sa gawain

ng Panginoon. Kailangan nating asikasuhin ang mga pangangailangan

ng [mga tao] at ipatikim sa kanila ang uri ng

kaligtasan na makakamtan nila nang hindi sila kailangang mamatay

bago natin maiangat ang kanilang kaisipan sa mas mataas

na antas. Dito nakasalalay ang layunin ng programang pangkapakanan

ng Panginoon na inilagay Niya sa Kanyang Simbahan sa

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!