17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

131

KABANATA 12

mamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin.”

(I Corinto 15:22.)

Kung maingat ninyong nasundan ang paliwanag sa unang kasal

na ito, handa na ninyong maunawaan ang paghahayag na ibinigay

sa Simbahan sa ating henerasyon sa mga salitang ito:

“Kung ang isang lalaki ay nagpakasal sa isang babae sa pamamagitan

ng aking salita, na siyang aking batas, at sa pamamagitan

ng bago at walang hanggang tipan, at ito ay ibinuklod sa kanila

ng Banal na Espiritu ng pangako, sa pamamagitan niya na siyang

hinirang, kung kanino ko itinakda ang kapangyarihang ito at ang

mga susi ng pagkasaserdoteng ito. . ., ito ay magagawa sa kanila

sa lahat ng bagay anuman ang ipataw sa kanila ng aking tagapaglingkod,

sa panahon, at sa lahat ng kawalang-hanggan; at

magkakaroon ng buong bisa kapag sila ay wala na sa daigdig at

sila ay makararaan sa mga anghel, at sa mga diyos, na inilagay

roon, tungo sa kanilang kadakilaan at kaluwalhatian sa lahat ng

bagay, na ibinuklod sa kanilang mga ulo.” (D at T 132:19.). . .

Ang kasal sa panahon at sa kawalang hanggan ay ang makipot

na pasukan at makitid na landas (na binanggit sa mga banal na

kasulatan) “na patungo sa kadakilaan at pagpapatuloy ng mga

buhay, at kakaunti ang makasusumpong noon,” ngunit “malapad

ang pintuan, at maluwang ang daan na patungo sa mga kamatayan;

at marami roon na nagsisipasok.” (D at T 132:22, 25.) Kung

mahihikayat kayo ni Satanas at ng kanyang mga kampon na dumaan

sa maluwang na daan ng kasal ng daigdig na nagtatapos sa

kamatayan, natalo niya kayo sa inyong oportunidad para sa pinakamataas

na antas ng walang hanggang kaligayahan na matatamo

lamang sa pamamagitan ng kasal at pag-unlad sa

kawalang-hanggan. Dapat ay maliwanag na ngayon sa inyong kaisipan

kung bakit ipinahayag ng Panginoon na upang makamtan

ang pinakamataas na antas ng kaluwalhatiang Selestiyal, ang

isang tao ay kailangang pumasok sa bago at walang hanggang tipan

ng kasal. Kundi siya papasok dito, hindi niya makakamtan

ito. (D at T 131:1–3.) 2

Ang mga taong ginagawang karapat-dapat ang kanilang sarili at

pumapasok sa bago at walang hanggang tipang ito ng kasal sa

templo para sa panahon at lahat ng kawalang hanggan ay maglalatag

ng unang batong panulok para sa walang hanggang tahanan

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!