17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

247

KABANATA 22

mga dakilang pagpapala sa halip na malungkot na katapusan na

tulad ng ating inaasahan. 11

Paano tayo magkakaroon ng lakas at kapayapaan

ng kalooban kapag may problema tayo?

Ang bawat kaluluwang lumalakad sa lupa, ikaw at ako, lahat

tayo—mayaman man o mahirap, mabuti man o masama, bata o

matanda—bawat isa sa atin ay susubukan sa pamamagitan ng

mga unos ng paghihirap, ng hangin na kung saan ay dapat nating

ipagsanggalang ang ating sarili. At ang tanging hindi mangabibigo

ay ang mga taong nagtayo ng kanilang bahay sa

ibabaw ng bato. At ano ang bato? Ito ang bato ng pagsunod sa

mga alituntunin at aral ng ebanghelyo ni Jesucristo tulad ng itinuro

ng Guro. 12

Hindi ako hihingi ng paumanhin. . .sa paghiling sa inyo ngayong

umaga, na maniwalang tulad ko sa mga batayang konsepto

ng tunay na relihiyon—ang pananampalataya sa Diyos at sa

Kanyang Anak na si Jesucristo bilang Tagapagligtas ng daigdig. Sa

pangalan Niya ay naganap ang mga himala at nagaganap sa ngayon

at tanging sa lubos na pagtanggap sa mga katotohanang ito

tayo matatag na makatatayo kapag dumaluhong na ang mga

unos sa ating buhay.

Kung gayo’y inaanyayahan ko kayo na magpakumbaba. . .at

may panalangin sa pusong sikaping paniwalaan ang lahat ng itinuro

sa atin ng mga banal na propeta tungkol sa ebanghelyo na

mula sa mga Banal na Kasulatan mula pa sa simula. 13

Kung kaya ang pinakamahalaga sa buhay na ito ay hindi ang

nangyayari sa inyo, kundi ang mahalaga ay kung paano ninyo

tanggapin ito. Iyan ang mahalaga. Sa pagtatapos ng Sermon sa

Bundok, naaalala ninyo, nagbigay ang Guro ng isang talinghaga.

Sabi Niya:

“Kaya’t ang bawat dumirinig ng aking mga salitang ito at ginaganap,

ay matutulad sa isang taong matalino, na itinayo ang kaniyang

bahay sa ibabaw ng bato:

“At lumagpak ang ulan, at bumaha, at humihip ang mga hangin,

at hinampas ang bahay na yaon; at hindi nabagsak: sapagka’t

natatayo sa ibabaw ng bato. . . .” [Mateo 7:24–25.]

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!