17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

K A B A N A T A 1 9

Mag-ukol ng Panahon

Upang Maging Banal

Paano ang gagawin natin sa araw-araw upang

espirituwal na mapakain ang ating sarili?

Pambungad

Madalas na ituro ni Pangulong Harold B. Lee ang kahalagahan

ng espirituwal na pangangalaga sa ating sarili. Sinabi niya

na ang katawan natin ay maihahambing sa mga kutang tanggulan

(fortress) na kailangang palaging tustusan ng pangangailangan

upang manatili itong malakas sa sandaling sumalakay ang

kalaban.

“Ang mga kalaban ng inyong sariling ‘kutang tanggulan’ ay

kapwa pisikal at espirituwal,” paliwanag niya. Maaaring kabilang

dito ang “di-inaasahang kalungkutan, kahihiyan ng pamilya, dagok

sa inyong pananalapi, [kataksikan] ng isang itinuturing na

kaibigan, o lihim na paglabag sa mga batas ng Diyos.” Kapag nagaganap

ang ganito sa ating buhay, kailangan natin ng “karagdagang

panustos mula sa ating espirituwal na pinagkukunan. ...

Kung wala na kayong kaugnayan sa Simbahan dahil sa kapabayaan

at nabawasan ang inyong pananampalataya sa Diyos, kung

hindi ninyo naunawaan sa pamamagitan ng pag-aaral at pagkatuto

ang paraan ng kapatawaran ng inyong kasalanan, o hindi

ninyo nakamtan sa pamamagitan ng panalangin ang pang-unawa

sa katiyakan ng gantimpala sa mga sakripisyo at pagdurusa, kung

gayon ay nawalay kayo sa espirituwal na patnubay at ang lakas na

kailangan ng inyong kaluluwa ay naubos na. . . . Ang inyong kutang

tanggulan ay tiyak nang mabibihag ng mga puwersa ni

Satanas. Sa gayo’y tulad kayo ng taong mangmang na nagtayo ng

kanyang bahay sa buhanginan, at nang dumating ang mga unos

205

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!