17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 2

ang ilang salita upang ibigay sa inyo ang kahulugan, “magagawa

sa kanila sa lahat ng bagay anuman ang ipataw sa kanila ng aking

tagapaglingkod, sa panahon, at sa lahat ng kawalang-hanggan; at

magkakaroon ng buong bisa kapag sila ay wala na sa daigdig; at

sila ay makararaan sa mga anghel, at sa mga diyos, na inilagay

roon, tungo sa kanilang kadakilaan at kaluwalhatian.” Ngayon

pakinggan ninyo ito: at magkakaroon ng “pagpapatuloy ng mga

binhi magpakailanman at walang katapusan.” [D at T 132:19.]

Sinabi ni Propetang Joseph Smith na ang kahulugan nito ay

iyong mga ikinasal sa bago at walang hanggang tipan at naging

tapat sa kanilang mga tipan, na matapos silang mabuhay na maguli

ay muli silang mabubuhay na magkasama bilang mag-asawa at

magkakaroon ng tinatawag niya dito na pagpapatuloy ng mga

binhi. Ano ngayon ang ibig sabihin niyan? Hayaan ninyong basahin

ko sa inyo ang mula sa isa pang banal na kasulatan:. . .

“Sa selestiyal na kaluwalhatian ay may tatlong kalangitan o antas;

“At upang matamo ang pinakamataas, ang isang tao ay kailangang

pumasok sa orden na ito ng pagkasaserdote [ibig sabihin

ang bago at walang hanggang tipan ng kasal];

“At kung hindi niya gagawin, hindi niya ito matatamo.

“Maaari siyang pumasok sa iba, subalit iyon na ang katapusan

ng kanyang kaharian; hindi siya magkakaroon ng pag-unlad.”

[D at T 131:1–4.]

Pag-unlad ng ano? Pag-unlad ng inapo. Sa madaling salita, sa

pamamagitan ng pagsunod sa Kanyang banal na utos, tayo rito na

mga tao ay binigyan ng kapangyarihang makipagtulungan sa

Diyos sa paglikha ng kaluluwa ng tao dito, at pagkatapos sa kabilang

buhay ay magkaroon ng walang hanggang pag-unlad sa ugnayan

ng pamilya matapos magawa ng mundo ang gawain nito.

. . .Tungkol naman sa mga nabuhay na mag-uling nilalang na

tumupad sa tipan ng banal na kasal at naibuklod ng Banal na

Espiritu ng Pangako: “Pagkatapos sila ay magiging mga diyos, sapagkat

sila ay walang katapusan; samakatwid sila ay magiging

mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan, sapagkat

sila ay magpapatuloy; sa gayon sila ay mangingibabaw sa

lahat, sapagkat lahat ng bagay ay saklaw nila. Sa gayon sila ay na-

20

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!