17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

K A B A N A T A 1 3

Pagtuturo ng Ebanghelyo

sa Tahanan

Paano magagawa ng mga magulang na maging

isang kanlungan at lugar ng paghahanda ang kanilang

tahanan para sa buhay na walang hanggan?

Pambungad

Ito ang sinabi ni Pangulong Harold B. Lee tungkol sa kahalagahan

ng pagtuturo ng ebanghelyo sa tahanan:

“Sa pagbabasa natin mula sa mga isinulat ng mga naunang

propeta, matutuklasan natin ang tila ipinahihiwatig na kasalanan

na nagdulot ng kasamaan na siyang nagpatangis sa Diyos na lumalang

sa sangkatauhan. Sa isang paghahayag sa kanyang matapat

na propetang si Enoc, sinabi ng Diyos na ang mga labi ng

kanyang mga anak ay walang pagmamahal, at kinapopootan nila

ang kanilang sariling dugo, na ang ibig sabihin ay walang iba

kundi ang kanilang mga anak.

“Sa kanyang sagot sa tanong ni Enoc kung bakit siya tumangis,

sumagot ang Diyos na ‘. . .sa lahat ng gawa ng aking mga kamay

ay walang naging kasingsama gaya sa iyong mga kapatid.’

“At dagdag pa Niya: ‘. . .masdan, ang kanilang mga kasalanan

ay mapapataw sa ulo ng kanilang mga ama. . . .’ (Moises

7:36–37.) Maliwanag na nagawa ng mga magulang ng salinlahing

iyon ang malaking kasalanan ng pagkabigong sumunod sa utos

na ibinigay sa lahat ng mga magulang mula sa panahon ni Adan

hanggang sa atin mismong kapanahuhan. Nabigo sila sa pagtuturo

ng mga doktrina ng kaligtasan sa kanilang mga anak.

“Binalaan tayo ng Panginoon na, kung ano ang nangyari noong

kapanahunan ni Noe ay gayundin ang mangyayari sa pagparito

ng Anak ng Tao. Ipahintulot nawa ng Diyos na pakinggan ng

mga taong ito ang tawag ng ating propetang-pinuno at turuan

140

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!