17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

265

KABANATA 24

ng trabaho ng isa sa mga propesor sa kolehiyo. Pinagsibak siya

ng kahoy para maipambayad sa kanyang matrikula. Ang iba naman,

nang malaman ang kanyang tagumpay bilang tagasibak ng

kahoy, ay kinuha siya upang magsibak din ng kahoy para sa kanila.

Di nagtagal ay natuklasan niyang wala na siyang panahon

para pumasok sa kolehiyo, at nasiyahan na siya sa kanyang tagumpay

bilang tagasibak ng kahoy.

Isinasagisag nito ang kalagayan ng marami sa atin. Naparito

tayo sa mundo dahil sa isang partikular na layunin—ang isakatuparan

ang ating sariling kaligtasan, o sa madaling salita, maghanda

para sa darating na buhay, na walang katapusan. Tila

nalilimutan ng ilan sa atin ang layunin natin noon, at nasisiyahan

na sa ating paghahanap ng kayamanan at katanyagan na ibinibigay

ng buhay, sa madaling salita, nasisiyahan na lamang sa “pagsisibak

ng kahoy.” 5

Nawa tayo na may patototo [kay Jesus]. . .ay buong-pusong

manawagan sa ating Ama: “[Panginoon,] salitain sa [akin] ang

dapat [kong] gawin.” [Mga Gawa 9:6.]

At kung mananalangin tayo nang buong katapatan at may pananampalataya,

babalik sa atin mula sa mga banal na kasulatan

ang sagot sa mapanalanging pagtatanong na iyon. Ang sagot ay

paulit-ulit na dumarating, tuwi-tuwina, na ang lahat ng ating ginagawa

ay dapat gawin “na ang mata ay nakatuon sa kaluwalhatian

ng Diyos.” [D at T 82:19.] Ano ang kaluwalhatian ng Diyos?

Sinabi ng Panginoon kay Moises na:

“. . .ito ang aking gawain at aking kaluwalhatian—ang isakatuparan

ang kawalang-kamatayan at buhay na walang hanggan ng

tao.” (Mahalagang Perlas, Moises 1:39.)

Taglay ang layuning iyan, na tinitiyak na ang bawat kilos sa

ating buhay, ang bawat pagpapasiyang ating ginagawa ay naaayon

sa pag-unlad ng buhay na magpapahintulot sa ating makapasok

sa kinaroroonan ng Panginoon na ating Ama sa Langit, at

ang pagkakamit ng gayon ay pagkakamit ng buhay na walang

hanggan, gaano pa nga bang karunungan ang matatagpuan sa

maraming bagay ng buhay. 6

Mula sa mga banal na kasulatan, mula sa mga isinulat ng mga

inspiradong pinuno ng Simbahan, at mula sa mga sekular na ko-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!