17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

K A B A N A T A 9

Pakikinig sa Tunay na

Sugo ni Jesucristo

Paano tayo mas matapat na makasusunod

sa buhay na propeta?

Pambungad

Si Harold B. Lee ang naging ikalabing-isang Pangulo ng

Simbahan sa pagkamatay ni Pangulong Joseph Fielding Smith

noong Hulyo 1972. Kasunod niyon, dinalaw ni Pangulong Lee

ang silid sa Salt Lake Temple kung saan nakasabit ang mga larawan

ng sampung nauna sa kanya. “Doon, sa mapanalanging pagmumuni-muni,”

paggunita niya, “Tiningnan ko ang mga

ipinintang larawan ng mga kalalakihang ito ng Diyos—tunay, dalisay

na kalalakihan, magigiting na kalalakihan ng Diyos—na nauna

sa akin sa tungkulin ding ito.” Pinagbulay-bulay niya ang

katangian at mga nagawa ng bawat isa sa mga propeta ng huling

dispensasyong ito at sa huli’y dumating sa huling larawan.

“Naroon si Pangulong Joseph Fielding Smith na nakangiti, ang

mahal kong propetang-pinuno na hindi inilagay sa kompromiso

ang katotohanan.... Sa maikling sandaling iyon ay tila ipinapasa

niya sa akin, ang setro ng kabutihan na tila sinasabi sa aking,

‘Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.’. . .

“Alam ko, nang may patotoong na higit na mabisa kaysa nakikita

ng tao, na tulad ng ipinahayag ng Panginoon, ‘Ang mga susi

ng kaharian ng Diyos ay ipinagkatiwala sa tao sa mundo [mula sa

Propetang Joseph Smith tungo sa mga sumunod sa kanya hanggang

sa kasalukuyan], at mula rito ang ebanghelyo ay lalaganap

hanggang sa mga dulo ng mundo.’ ” [D at T 65:2.] 1

Ang Pangulo ng Simbahan ang tanging tao sa mundo na binigyang

karapatan upang gamitin ang lahat ng susi ng pagkasaserdote.

Itinuro ng isang propeta sa huling araw na: “Kapag ang

92

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!