17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 7

Mga Turo ni Harold B. Lee

Bakit dapat nating pag-aralan ang mga banal na kasulatan?

Tulad din na ang tubig ay mahalaga noon at ngayon sa pisikal

na buhay. . ., gayon din naman na mahalga ang ebanghelyo ng

Panginoong Jesucristo sa espirituwal na buhay ng mga anak ng

Diyos. Ang pagkakatulad na iyan ay ipinahiwatig sa mga salita ng

Tagapagligtas sa babae sa tabi ng balon ng Samaria, nang sabihin

Niya: “. . .sinumang umiinom ng tubig na sa kanya’y aking ibibigay

ay hindi mauuhaw magpakailanman; ngunit ang tubig na sa

kaniya’y aking ibibigay ay magiging isang balon ng tubig na bubukal

sa kabuhayang walang hanggan.” [Juan 4:14.]

Ang malalawak na imbakan ng espirituwal na tubig, na tinatawag

na mga banal na kasulatan, ay inilaan sa panahong ito at pinag-ingatan

upang ang lahat ay makasalo at espirituwal na

mapakain, at nang sila ay hindi na mauhaw. Ang kahalagahan ng

banal na kasulatang ito ay tinukoy sa mga salita ng Tagapagligtas,

“Saliksikin ninyo ang mga kasulatan; sapagkat iniisip ninyo na sa

mga yaon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan: at ang

mga ito ay siyang nangagpatotoo tungkol sa akin” (Juan 5:39); at

ang karanasan ng mga Nephita na pinabalik upang kunin ang

mga laminang tanso na naglalaman ng mga kasulatang napakahalaga

sa kapakanan ng mga tao. Ang paggamit ng mga banal na

kasulatang iyon ay isinaad sa pahayag ni Nephi nang sabihin

niya, “. . .sapagkat inihahalintulad ko sa amin ang lahat ng banal

na kasulatan, upang ito ay maging para sa aming kapakinabangan

at kaalaman.” (1 Nephi 19:23.) Sa mga salinlahing ito ang

mga mensahe mula sa ating Ama ay naitabi at napag-ingatang

mabuti, at mapapansin din ninyo na sa panahong ito ang mga

banal na kasulatan ang pinakadalisay sa kanilang pinagmumulan,

tulad din ng ang tubig ay pinakadalisay sa bundok na pinagmumulan

ng bukal nito; ang pinakadalisay na salita ng Diyos, at

marahil ang hindi marurumihan, ay ang nagmumula sa mga labi

ng mga buhay na propetang itinalaga upang gabayan ang Israel

sa atin mismong araw at panahon. 2

Ang ating Ama sa bawat dispensasyon ay nagbigay sa atin, na

Kanyang mga anak, ng mga banal na kasulatan na Kanyang bi-

72

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!