17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 23

Sinabi niya sa nagdadalamhating si Marta, noong mamatay ang

kanyang kapatid na si Lazaro: “Ako ang pagkabuhay na maguli, at

ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y

mamatay, gayon ma’y mabubuhay siya.” (Juan 11:25.)

Sa mga Judio na nagbabalak pumatay, ang Kanyang pahayag

tungkol sa Kanyang banal na kapangyarihan ay higit na malinaw

at makahulugan. “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa

inyo, Dumarating ang panahon, at ngayon nga, na maririnig ng

mga patay ang tinig ng Anak ng Dios; at ang mangakarinig ay

mangabubuhay.

“Sapagka’t kung paanong ang Ama ay may buhay sa kaniyang

sarili, ay gayon din namang pinagkalooban niya ang Anak na

magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili;

“At. . .ng kapamahalaang makahatol, sapagka’t siya’y Anak ng

[Diyos].” [Juan 5:25–27.]

Kasunod na kasunod ng Kanyang sariling pagkabuhay na maguli,

dumating ang katibayan ng ikalawang kakaibang kapangyarihan

na ibangon mula sa patay, hindi lamang ang Kanyang sarili,

kundi ang iba pa “na bagama’t patay, ay naniwala sa Kanya.”

Ginawa ni Mateo ang simple at tuwirang tala na ito ng mahimalang

pagkabuhay na mag-uli ng matatapat, mula sa mortal na kamatayan,

“At nangabuksan ang mga libingan; at maraming

katawan ng mga banal na nangakatulog ay nangagbangon, At

paglabas sa mga libingan pagkatapos na siya’y mabuhay na maguli

ay nagsipasok sila sa bayang banal at nangapakita sa marami.”

[Mateo 27:52–53.]

Ni hindi rin dito nagtatapos ang mga nakatutubos na kapangyarihan

ng tanyag na Anak ng Diyos na ito. Sa paglipas ng mga

panahon, sa bawat dispensasyon, ay dumarating ang nakapagpapasayang

pangako: “Sapagka’t kung paanong kay Adam ang lahat

ay nangamamatay, gayon din naman kay Cristo ang lahat ay bubuhayin,”

(I Corinto 15:22), “. . .ang mga nagsigawa ng mabuti,

ay sa pagkabuhay na maguli sa buhay; at ang mga nagsigawa ng

masama, ay sa pagkabuhay na maguli sa paghatol.” (Juan 5:29.)

Mabilis na lumilipas ang panahon tungo sa kumpletong katuparan

ng Kanyang banal na misyon.

256

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!