17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

KABANATA 2

ka, at ikaw ay palalakasin kaysa sa maraming tubig; sapagkat kanilang

susundin ang iyong utos na tila baga ikaw ang Diyos.”

[Moises 1:25.] Iyon ang kanyang magiging misyon upang maging

dakila at makapangyarihang pinuno. Gayundin kay Jeremias, sinabi

ng Panginoon, “Bago kita inanyuan sa tiyan ay nakilala kita,

at bago ka lumabas sa bahay-bata ay pinapaging banal kita; inihalal

kitang propeta sa mga bansa.” [Jeremias 1:5.] Si Joseph

Smith, sa pagliliwanag dito, ay nagsabi sa atin: “Bawat tao na tinawag

upang mangasiwa sa mga naninirahan sa mundo ay inordena

sa layuning iyon sa Dakilang Kapulungan sa langit bago pa

nilikha ang mundong ito.” Pagkatapos ay sinabi niya, “Sa palagay

ko’y inordena ako sa katungkulang ito sa Dakilang Kapulungang

iyon.” [History of the Church, 6:364.]

Narito ang isang pagbabanta. Sa kabila ng pagtawag na iyon,

inilagay ito ng Panginoon sa isipan ng Propetang Joseph Smith at

isinulat niya ito. . ., “Masdan, marami ang tinawag, subalit iilan

ang napili.” Sa madaling salita,. . . dahil maaari tayong pumili

dito, marami ang inordena noon pa sa dakilang gawain na hindi

gaanong nakapaghanda ng kanilang sarili sa gagawin nila dito.

Ngayon sabi niya, “At bakit sila hindi napili?” Sa gayon ay nagbigay

siya ng dalawang dahilan kung bakit nabibigo ang mga tao sa

kanilang pagkahirang. Una, “sapagkat ang kanilang mga puso ay

labis na nakatuon sa mga bagay ng daigdig na ito,” at pangalawa,

sila ay “naghahangad ng mga parangal ng tao, kaya hindi nila natutuhan

ang isang aral na ito—Na ang mga karapatan ng pagkasaserdote

ay may di mapaghihiwalay na kaugnayan sa mga

kapangyarihan ng langit.” [D at T 121:34–36.] 2

Huwag ninyong ipagkamali na ang gayong pagtawag at gayong

pag-oordena noon pa ang magsasabi kung ano ang kailangan

ninyong gawin. Isang propeta sa kanluraning kontinenteng ito

ang malinaw na nagsalita tungkol sa paksang ito: “Tinawag at inihanda

mula pa sa pagkakatatag ng daigdig alinsunod sa kaalaman

ng Diyos sa mula’t mula pa, dahil sa kanilang labis na

pananampalataya at mabubuting gawa; sa simula pa ay hinayaang

mamili sa mabuti o masama.” (Alma 13:3.). . . Maaaring tumawag

at pumili ang Diyos ng mga tao sa daigdig ng mga

espiritu o sa kanilang unang kalagayan upang gawin ang partikular

na gawain, ngunit ang pagtanggap nila dito sa katungku-

16

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!