17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

ANG MINISTERYO NI HAROLD B. LEE

“Noon ay mayroon din sa misyon na iyon na isang dalaga mula

sa Lungsod ng Salt Lake, si Fern Lucinda Tanner. Itinuring siya

ng kanyang mga kasama bilang matalino, maganda, at napakahusay

sa mga banal na kasulatan. Nang makauwi na si Elder Lee,

sandali siyang nagbalik sa Clifton at pagkatapos ay nagpunta sa

Lungsod ng Salt Lake upang hanapin at ligawan ang babaing hinangaan

niya sa misyon. Ikinasal sila sa Templo sa Salt Lake mga

labing-isang buwan makaraan siyang bumalik.

“Sa pagsasama nila bilang mag-asawa ay isinilang ang dalawang

magagandang anak na babae, sina Helen [sa huli’y naging

Mrs. L. Brent Goates] at Maurine [sa huli’y naging Mrs. Ernest J.

Wilkins]. Ang tahanan ng mga Lee ay lugar ng pagtitipon para sa

mga kabataan sa pook na iyon. At kabaitan at kahusayan ni Sister

Lee sa paglutas ng mahihirap na kalagayan ang hinahangaan ng

lahat ng nakakikilala sa kanya. Minsan ay pinatahimik niya ang

dalawang kilalang kalalakihan na bumabatikos sa isa sa kanilang

mga kasamahan, na nagsasabing, ‘Sa pagsisikap ninyong maging

makatwiran, huwag ninyong kalimutan ang kabaitan.’. . .

“Ang mga katangiang taglay ni [Harold B. Lee] noong maging

punong-guro siya ng dalawang paaralan sa edad na 18 ay muling

kinilala. Sa kanyang karagdagang pag-aaral sa University of Utah,

tinawag siyang maging punong-guro, una sa Whittier School at

pagkatapos sa Woodrow Wilson School sa Salt Lake County. ...

“Nanirahan siya sa Pioneer Stake matapos siyang makasal,

kung saan siya nagkaroon ng iba’t ibang katungkulan sa

Simbahan. Noong 1929 ginawa siyang tagapayo sa panguluhan

ng istaka. Nang sumunod na taon tinawag siyang maging pangulo

ng istaka. Noon ay 31 taong gulang na siya, ang pinakabatang

pangulo ng istaka sa Simbahan.

“Namayani ang kahirapan sa bansa at sa daigdig. Mabilis na

bumaba ang presyo ng mga kalakal at bumagsak ito. Wala ring

mautangan ng salapi. Nagsara ang mga bangko at milyun-milyong

dolyar na naimpok ang nawala. Marami ang nawalan ng trabaho.

Nang masira ang ilang taon nilang pinaghirapan, ang mga

tao ay nagpakamatay na lamang. May mga lugar na nagpapakain

ng mga taong nangangailangan at pila ng mga taong nanghihingi

ng tinapay at iba pang pagkain. Nasiraan ng loob ang mga tao at

xviii

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!