17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

K A B A N A T A 2 1

Pagsisikap na Maging Perpekto

Paano natin sisikaping tuparin ang kautusang

“Kayo nga’y mangagpakasakdal”?

Pambungad

Itinuro ni Pangulong Harold B. Lee ang kahalagahan ng sumusunod

na halimbawa ng Tagapagligtas habang nagsisikap tayong

maging perpekto:

“Naniniwala ako na hindi lamang bilang paghahambing ang

inisip ng Guro nang sabihin niyang, ‘Kayo nga’y mangagpakasakdal,

na gaya ng inyong Ama sa kalangitan na sakdal.’ [Mateo

5:48.]. . . Sa akala ba ninyo’y nagmumungkahi lamang ang

Tagapagligtas ng mithiing di naman pala kayang abutin at sa gayo’y

kukutyain tayo sa pagsisikap na mamuhay upang makamtan

ang pagiging perpekto? Imposible para sa atin sa mortalidad na

marating ang kalagayang iyon ng pagiging perpekto na binanggit

ng Guro, subalit sa buhay na ito natin inilalatag ang pundasyon

na pagbabatayan ng kawalang hanggan. Samakatuwid, kailangan

nating tiyakin na ang ating pundasyon ay batay sa katotohanan,

kabutihan at pananampalataya. Upang marating natin ang mithiing

iyon kailangan nating tuparin ang mga kautusan ng Diyos at

maging tapat hanggang sa huling sandali ng buhay natin dito, at

magpatuloy sa kabilang buhay sa kabutihan at kaalaman hanggang

sa maging katulad tayo ng ating Ama sa Langit. ...

“. . .Itinuro [ni Apostol Pablo] ang landas na pinagmumulan

ng pagiging perpekto. Sa pagsasalita tungkol kay Jesus, sinabi

niya, ‘Bagama’t siya’y Anak, gayon may natuto ng pagtalima sa

pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis; at nang siya’y mapaging

sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan

ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya.’ (Mga Hebreo

5:8–9.). . .

228

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!