17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

45

KABANATA 5

binyagan na ako bilang miyembro ng Simbahan, dahil nagsabi sa

akin ang puso ko ng mga bagay na hindi alam ng isip ko.’

“Siya ay nagbalik-loob. Nakita niya ang dapat niyang makita.

Narinig niya ang dapat niyang marinig. Naunawaan niya ang dapat

niyang maunawaan, at mayroon siyang ginagawa ukol dito.

Mayroon siyang patotoo.” 2

Mga Turo ni Harold B. Lee

Ano ang Patotoo?

Ang patotoo ay simple lang ipaliwanag. Ito’y banal na paghahayag

sa taong may pananampalataya. Binanggit din ng mangaawit

(psalmist) ang gayong kaisipan: “. . .ang patotoo ng

Panginoon ay tunay. . . .” (Mga Awit 19:7.) Ipinahayag ni Apostol

Pablo, “. . .walang sinumang makapagsasabi [ o makaaalam] na

si Jesus ay ang Panginoon, kundi sa pamamagitan ng Espiritu

Santo.” [1 Corinto 12:3.] Itinuro pa ng mga propeta na kung

kayo ay “magtatanong nang may matapat na puso, na may tunay

na layunin, na may pananampalataya kay Cristo, kanyang ipaaalam

ang katotohanan nito sa inyo, sa pamamagitan ng kapangyarihan

ng Espiritu Santo. At sa pamamagitan ng Espiritu Santo

malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.” (Moroni

10:4–5.). . .

Buhay ang Diyos! Si Jesus ang Tagapagligtas ng sanlibutan!

Ang ebanghelyo ni Jesucristo tulad nang nakapaloob sa kabuuan

ng mga sinauna at makabagong kasulatan ay totoo! Nalalaman

ko ang mga bagay na ito sa pamamagitan ng pagsaksi ng Espiritu

sa aking espiritu. 3

Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang isa kong karanasan sa

isa sa aming tagapangasiwa sa negosyo. Ang asawa niya at mga

anak ay miyembro, ngunit siya’y hindi. . . Sinabi niya sa akin,

“hindi ako makakasapi sa Simbahan hangga’t wala akong patotoo.”

Sabi ko sa kanya, “Sa susunod na pumunta ka sa Salt

Lake, tumuloy ka at dalawin mo ako.” Sa aming pag-uusap pagkaraan

ng aming pagpupulong sa negosyo ilang linggo pagkaraan

noon ay sinabi ko sa kanya, “Ewan ko kung natatanto mo

kung may patotoo ka o wala; o kung alam mo kung ano ang patotoo.”

Kung kaya’t ninais niyang malaman kung ano ang pa-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!