17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

59

KABANATA 6

makahulugang pahayag sa kanyang talaan sa Aklat ni Mormon:

“At samantalang ako ay nasa gayong pagpupunyagi sa espiritu,

masdan, ang tinig ng Panginoon ay sumaisip kong muli. . . .”

[Enos 1:10.]

Sa madaling salita, minsan naririnig natin ang tinig ng

Panginoon na sumasagi sa ating mga isipan, at kapag ito ay dumating,

ang impresyon ay singlakas ng tila ba Siya ay nagtutrumpeta

sa ating tainga. ...

Sa isang kuwento sa Aklat ni Mormon, pinagsabihan ni Nephi

ang kanyang mga kapatid, tinatawag sila upang magsisi, at nagpahayag

din ng gayong kaisipan nang sabihin niya: “. . .at siya ay

nangusap sa inyo sa isang marahan at banayad na tinig, datapwat

kayo ay manhid, kung kaya’t hindi ninyo madama ang kanyang

mga salita. . . .” (1 Nephi 17:45.)

Kung kaya ang Panginoon, sa pamamagitan ng paghahayag, ay

naghahatid ng mga kaisipan sa ating mga isipan na para bang

isang tinig na nagsasalita. Maaari bang magbahagi ako ng hamak

na patotoo sa katotohanang ito? Minsan ay nasa isang sitwasyon

ako kung saan nangangailangan ako ng tulong. Alam ng

Panginoon na nangangailangan ako ng tulong, dahil ako ay nasa

isang mahalagang misyon. Nagising ako sa alanganing oras ng

umaga at itinuwid ang isang bagay na plano kong gawin sa ibang

paraan, at ang paraan ay malinaw na ibinalangkas sa akin habang

nakahiga ako nang umagang iyon, na para bang may isang taong

nakaupo sa dulo ng aking higaan at sinasabi kung ano ang dapat

kong gawin. Oo, ang tinig ng Panginoon ay sumagi sa aking isipan

at sa gayon tayo ay magagabayan.

Nakakatanggap din tayo ng paghahayag sa pamamagitan ng

kapangyarihan ng Espiritu Santo. Sinabi ng Panginoon kay

Propetang Joseph Smith noong katatatag pa lang ng Simbahan,

“Oo, masdan, sasabihin ko sa iyo sa iyong isipan at sa iyong

puso, sa pamamagitan ng Espiritu Santo, na. . .mananahanan sa

iyong puso. Ngayon, masdan, ito ang espiritu ng paghahayag.

. . .” (D at T 8:2–3.) Inalo ng Guro ang Kanyang mga disipulo,

kung natatandaan ninyo, bago ang pagpapako sa Kanya sa

krus nang sabihin Niya, “. . .kung hindi ako yayaon, ang Taga-aliw

ay hindi paparito sa inyo. . . . Gayon ma’y kung siya, ang Espiritu

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!