17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

259

KABANATA 23

tan man, o ng hirap pa man; ang mga bagay nang una ay naparam

na” (Apoc. 21:4) sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ng

Panginoong Jesucristo. Sa gayong pananampalataya at pangunawa

kayo na maaaring tawagin na maghinagpis ay makaaawit

tulad ng nasusulat, “Nilamon ng pagtatagumpay ang kamatayan.

Saan naroon, Oh kamatayan, ang iyong pagtatagumpay? Saan naroon,

Oh kamatayan, ang iyong tibo?” (I Cor. 15:54–55.) 5

Malalaman din ninyo na buhay ang inyong Manunubos, tulad

ni Job sa gitna ng mga tukso sa kanya na “itakwil mo ang Dios,

at mamatay ka,” [tingnan sa Job 2:9; 19:25] at malalaman ninyo

na mabubuksan din ninyo ang pintuan at maaanyayahan Siyang

“hahapong kasalo [ninyo].” [Tingnan sa Apocalipsis 3:20.]

Makikita din ninyo ang inyong sarili balang-araw bilang mga nabuhay

na mag-uling nilalang na umaangkin ng pagiging kamaganak

Niya na nag-alay ng Kanyang buhay upang ang mga

gantimpala sa mga mortal na tao sa pagsisikap at karanasan sa

lupa ang maging mga bunga ng buhay na walang hanggan bagaman

ayon sa sukatan ng pamantayan ng tao ang mga pagsisikap

sa buhay ng isang tao ay tila nabigo. 6

Paano nakapagpapatatag sa ating kaluluwa ang

pagkaunawa sa pagkabuhay na mag-uli?

Tingnan natin ang halimbawa ni Pedro, [na]. . .makaitlong ulit

na nagtatwa sa Guro noong gabi ng pagkakanulo. Ihambing ang

natatakot na Pedro sa katapangang ipinakita niya ilang sandali

pagkatapos niyon sa harapan ng mga bulag na tagasunod ng relihiyon

na kamakailan lamang ay hiningi ang kamatayan ni Jesus.

Sinabi niyang sila’y mga mamamatay-tao at tinawag silang magsisi,

siya ay nabilanggo, at sa huli ay walang-takot na hinarap ang

kanyang sariling kamatayan.

Ano ang nagpabago sa kanya? Siya’y naging personal na saksi

sa pagbabagong naganap sa nabugbog at nasaktang katawan na

ibinaba mula sa krus, na katawang nabuhay na mag-uli at niluwalhati.

Ang payak at simpleng sagot ay nagbago ang pagkatao ni

Pedro dahil alam niya ang kapangyarihan ng nabuhay na maguling

Panginoon. Hindi na siya mag-iisa pa sa dalampasigan ng

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!