17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 19

Panginoong Jesucristo—espirituwal na makikinabang sa kagilagilalas

na paraan.” [Gospel Standards, 123.]

Habang binabasa ko ang pahayag na iyon, naalala ko ang sinabi

ng Propetang Isaias hinggil sa mga pagpapalang darating sa

taong mag-aayuno at magbabahagi ng tinapay sa nagugutom. . . .

Narito ang apat na kagila-gilalas na mga espirituwal na pangako

na ginawa ng Panginoon sa mga mag-aayuno at magbabahagi ng

kanilang tinapay sa mga nagugutom; batay sa nakasulat sa Isaias,

ang unang pangako:

“Kung magkagayo’y sisikat ang iyong liwanag na parang

umaga, at ang iyong kagalingan ay biglang lilitaw; at ang iyong

katuwiran ay mangunguna sa iyo; ang kaluwalhatian ng

Panginoon ay magiging iyong bantay likod.”

Pagkatapos ay nangako ang Panginoon:

“Kung magkagayo’y tatawag ka, at ang Panginoon ay sasagot;

ikaw ay dadaing, at siya’y magsasabi, Narito ako.”

At muling nangako ang Panginoon:

“At kung magmamagandang-loob ka sa gutom, at iyong sisiyahan

ng loob ang nagdadalamhating kaluluwa; kung magkagayo’y

sisilang ang iyong liwanag sa kadiliman, at ang iyong kadiliman

ay magiging parang katanghaliang tapat.”

At sa huli, ang pangakong ito:

“At papatnubayan ka ng Panginoon na palagi, at sisiyahan ng

loob ang iyong kaluluwa sa mga tuyong dako, at palalakasin ang

iyong mga buto; at ikaw ay magiging parang halamang nadilig, at

parang bukal ng tubig, na ang tubig ay hindi naglilikat.” [Isaias

58:8–11.]

Ang mga pagpapalang iyon na isinalin sa mga kaganapan at

problema ng buhay ay maliwanag na inilalarawan sa isang pangyayaring

isinalaysay ng isa sa ating mga pangulo sa misyon sa

mga Pangkalahatang Awtoridad ilang taon na ang nakalilipas.

Samantalang nabubuhay kaming balisa noong mga panahong

iyon ng digmaan, ikinuwento ng amang ito ang pangyayari:

Araw ng ayuno noon. Maaga siyang gumising, ginawa ang mga

trabaho sa bukid, at nag-uukol na siya ngayon ng ilang minuto,

212

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!