17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

KABANATA 20

Espiritu ng Panginoon, hanggang sa abot ng ating makakaya at

himukin ang ating mga tao sa daigdig na mamuhay nang malapit

sa Panginoon sa oras na ito ng matinding tukso. 8

Ang pinakamalaking banta ngayon ni Satanas ay sirain ang pamilya,

at kutyain ang batas ng kalinisang-puri at ang kabanalan

ng tipan ng kasal. 9

Isa sa aming komperensiya ng istaka ang nagtapos sa pamamagitan

ng isang kawili-wiling mensahe kamakailan lamang. . . .

Nang tumayo ang pangulo ng istaka upang tapusin na ang komperensiya,

tumingala siya sa balkonahe na puno ng mga kabataan

at nagsabing, “May gusto akong sabihin sa inyong mga

kabataan na nariyan sa balkonahe. Marahil habang ako ang pangulo

ng inyong istaka, bawat isa sa inyo’y lalapit sa akin para sa

panayam—tulad ng pagsulong sa pagkasaserdote, o para sa ilang

katungkulan kung saan kayo tinawag, o para sa mga rekomendasyon

sa templo—at kabilang sa maraming bagay ay ang mapanuring

tanong na itatanong ko sa inyo. Malinis ba ang inyong

puri? Kung matapat kayong makasasagot nang, ‘Opo, Pangulo,

malinis ang aking puri,’ magiging masaya kayo. Kung ang isasagot

ninyo’y, ‘Hindi po,’ kayo’y magiging malungkot; at kung

magsisinungaling kayo sa akin, mapupuno ng kapaitan ang inyong

kaluluwa habang kayo’y nabubuhay.”. . .

Balang-araw makakaharap [natin] ang ating Manlilikha at tulad

ng sabi ni Moroni—at medyo matinding salita ito—sabi niya,

“Inaakala ba ninyo na magiging maligaya kayo na manahanan kasama

ang Banal ng Israel habang ang inyong mga kaluluwa ay ginigiyagis

ng kabatiran ng inyong pagkakasala?” Sabi niya, “Mas

magiging masaya kayo na mamuhay sa piling ng mga isinumpang

kaluluwa sa impiyerno kaysa sa kinaroroonan ng Banal ng Israel

habang marumi kayo.” [Tingnan sa Mormon 9:3–4.] 10

Kapag nilalabag natin ang mga kautusan, sinasaktan natin ang

ating sarili at ang ibang tao. Ang pagkakamali ay kadalasang nagbubunga

ng kalungkutan, poot, o paglayo, kundi tayo magsisisi.

Sa katunayan, nababawasan ang ating pagpapahalaga sa sarili; pinabababa

natin ang papel na ating ginagampanan bilang mga

anak ng Diyos; maaaring sikapin nating takasan ang katotohanan

ng kung sino tayo talaga!

220

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!