17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

ANG MINISTERYO NI HAROLD B. LEE

karamdaman ang nagpatalas sa kanyang pakiramdam sa pagdurusa

ng iba. Siya ang taong naglakbay nang malayo at malapit

upang himukin at pagpalain ang mga Banal. May mga tao sa maraming

lupain na sa pasasalamat ay nagbibigay patotoo hinggil sa

mahimalang kapangyarihan ng pagkasaserdote na ginamit para

sa kanilang kapakanan ng lingkod na ito ng Panginoon.

“Naging sensitibo din siya sa kalungkutan, sa takot, sa mga hamon

na nasasagupa ng mga tao na nasa serbisyo militar. Noong

Ika-II Digmaang Pandaigdig, Digmaan sa Korea, at digmaan sa

[Vietnam], pinangasiwaan niya ang programa ng Simbahan para

sa mga sundalo. Palagi niyang ipinahihiwatig sa kanyang mga kasamahan

na kailangang ibigay sa mga nasa serbisyo militar ang

buong programa ng Simbahan, kaakibat ang lahat ng pagpapala

at pagkakataon na dumadaloy mula rito. Naglakbay siya sa mga

lupain at karagatan upang makaharap ang mga miyembro ng

Simbahan na nasa serbisyo militar. Noong 1955, dinalaw niya

ang Korea na noon ay malaking lugar na handa sa digmaan, na

suot ang uniporme ng mga sundalo. . . . Hindi kailanman malilimutan

ng mga taong nakakilala sa kanya ang kanyang kabaitan,

kanyang pagmamalasakit, o kanyang patotoo tungkol sa nananaig

na kapangyarihan ng Diyos sa mga gawain ng tao. Inaliw

niya sila, binigyan sila ng katiyakan, iniligtas ang marami sa kanila

sa mapanganib na kalagayan.

“Inaliw niya ang mga naulila. Mula sa sariling karanasan ay nalaman

niya ang lungkot ng pagkawala ng mahal sa buhay. Nasa

Salt Lake City siya at dumadalo sa komperensiya ng istaka nang

mag-agaw buhay ang kanyang minamahal na kabiyak. Naglakbay

siya nang gabi, nagmadaling nagpunta sa tabi ng kanyang higaan,

upang makita lamang siyang pumanaw. Kahit paano ay nadama

ng mga malapit sa kanya ang tindi ng kalungkutang nadama niya

mga ilang araw matapos mamatay ang kanyang asawa. Nangyari

iyon noong 1962. Noong 1966 kinuha ni kamatayan ang minamahal

niyang anak na si Maurine habang nasa Hawaii si Elder Lee

sa atas na gawain sa Simbahan. Nag-iwan siya ng apat na anak.

“Ang mapapait na karanasang ito, na mahirap dalhin, ay nakaragdag

sa kanyang pagiging sensitibo sa mga pasanin ng iba. Ang

mga nakaranas ng gayon ay nakakita sa kanya ng maunawaing

xxii

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!