17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

K A B A N A T A 3

Ang Kordero na Pinatay Buhat

Noong Itatag ang Sanlibutan

Paano napagtagumpayan ng Pagbabayad-sala

ni Jesucristo ang Pagkahulog ni Adan at napangyari

sa ating makabalik sa kinaroroonan ng Ama?

Pambungad

Itinuro sa atin ni Pangulong Harold B. Lee na dapat nating maunawaan

ang Pagkahulog na ito upang maunawaan natin ang

Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas, na napagtagumpayan ang mga

epekto ng Pagkahulog at ginawang posible ang buhay na walang

hanggan. Sinabi niya, “Napakahalagang…maunawaan ang

Pagkahulog, na dahilan kung bakit kinailangan ang Pagbabayadsala…na

siyang misyon ng Panginoong Jesucristo.” 1

Si Pangulong Lee ay madalas na magpatotoo sa banal na misyon

ng Tagapagligtas, na siyang nagpangyari na mailigtas tayo

mula sa kamatayan at kasalanan. Ipinahayag niya: ”Ang Anak ng

Diyos. . .ay may kapangyarihang lumikha ng mga daigdig, at pangasiwaan

ang mga ito. Pumarito Siya bilang Bugtong na Anak

upang isakatuparan ang isang misyon, upang maging Kordero na

pinatay bago itinatag ang sanlibutan, upang magdala ng kaligtasan

sa buong sangkatauhan. Sa pag-aalay ng Kanyang buhay binuksan

Niya ang pinto ng pagkabuhay na mag-uli at nagturo sa

paraang matatamo natin ang buhay na walang hanggan, na ang

ibig sabihin ay pagbalik sa kinaroroonan ng Ama at ng Anak. Iyan

si Jesus sa lahat Niyang kadakilaan.” 2

Tinatalakay ng kabanatang ito ang Pagkahulog nina Adan at Eva,

ang Pagbabayad-sala ng Tagapagligtas na nagtagumpay laban sa

mga epekto ng Pagkahulog, at ang ating mga pananagutan kung

tatanggapin natin ang buong pagpapala ng Pagbabayad-sala.

22

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!