17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

You also want an ePaper? Increase the reach of your titles

YUMPU automatically turns print PDFs into web optimized ePapers that Google loves.

K A B A N A T A 1 7

Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Paano natin magagampanan ang responsibilidad na ibinigay

sa atin ng Diyos na ibahagi ang ebanghelyo sa iba?

Pambungad

Paminsan-minsan si Elder Gordon B. Hinckley, ng Korum ng

Labindalawa, at ang kanyang asawang si Marjorie ay naglalakbay

na kasama nina Pangulo at Sister Harold B. Lee. “Sumama kami

sa dalawang magkahiwalay na okasyon kina Pangulo at Sister Lee

sa England, Germany, Austria, Italy, Greece, at sa Banal na

Lupain, kung saan nakipagkita kami sa mga misyonero, miyembro,

kabataan at sundalo,” sabi ni Sister Hinckley. “Wala na marahil

na mas magigiliw, mas magagalang, at mas mababait na

kasama sa paglalakbay.”

“Nasa England kami isang araw ng Linggo. Abala kami nang

araw na iyon: dalawang sesyon ng komperensiya at isang fireside

sa gabi. Nang makabalik kami sa hotel dakong alas 9:30, pagod

na pagod at gutom na kami. Nagpunta kami sa kainan ng hotel

para may makain kahit kaunti. Tapos na ang maghapon—makapagpapahinga

na kami. Kahit paano iyon ang nasa isip ko.

Kasunod niyo’y nakita ko na lamang ang serbidora na hawak ang

lapis upang isulat ang aming order na pagkain. Tiningnan siya ni

Pangulong Lee at nagsabing, ‘Anong simbahan ang kinabibilangan

mo?’ Hindi pa tapos ang araw para sa kanya. Sinimulan niya

ang pagtuturo. Bago matapos kumain nalaman niya ang lahat

tungkol sa babaing ito. Patay na ang kanyang asawa at nalulungkot

at natatakot siya. Nangako siyang makikipagkita sa mga misyonero

at mag-aaral pa. Napakagandang makita na isinasagawa

ng pangulo ng Simbahan ang ipinangaral niya nang araw na

iyon. Nang malaman ng serbidora (na marahil ay tatlumpu’t limang

taong-gulang) na ang lalaking kausap niya’y ang pangulo,

180

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!