17.11.2012 Views

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

MGA TURO NG MGA PANGULO NG SIMBAHAN HAROLD B. LEE

SHOW MORE
SHOW LESS

Create successful ePaper yourself

Turn your PDF publications into a flip-book with our unique Google optimized e-Paper software.

Paano napangangalagaan ang espiritu ng

pagpapanatiling banal sa araw ng Sabbath?

209

KABANATA 19

Ang Linggo ay hindi lamang araw ng pamamahinga mula sa

mga karaniwang pang-araw-araw na gawain. Hindi ito dapat ituring

lamang na araw ng pagiging batugan at katamaran o kaya’y

para sa kasiyahan at pagpapalayaw sa sarili. Ito’y araw ng piging

para sa ating katawang espirituwal. Ang lugar sa espirituwal na

piging ay sa bahay ng pagsamba. Dito’y matatagpuan ninyo ang

pakikipagkapatiran sa mga taong tulad ninyo’y naghahangad din

ng espirituwal na pagkain. Sama-sama kayong aawit at maguukol

ng panalangin sa Kataas-taasan, at tatanggap ng banal na

sakramento bilang paggunita sa inyong mga tungkulin bilang

anak ng Diyos dito sa mortalidad at sa pag-alaala sa pagbabayadsala

ng Tagapagligtas at upang muling mangako ng inyong katapatan

sa kanyang pangalan. ...

Maging sa tahanan man o sa simbahan, ang inyong kaisipan at

kilos ay dapat palaging naaayon sa diwa at layunin ng Sabbath. Ang

mga lugar ng libangan at aliwan, bagamat sa mga tamang pagkakataon

ay nakatutugon sa pangangailangan, ay hindi naaayon sa

espirituwal na pag-unlad. Ang gayong mga lugar ay hindi magpapanatili

sa inyong “walang-bahid-dungis mula sa sanlibutan” at sa

halip ay ipagkakait nito sa inyo ang “kabuuan ng mundo” na ipinangako

sa mga sumusunod sa batas ng Sabbath. [Tingnan sa D at

T 59:9, 16.] Kayo na naging ugali na ang paglabag sa Sabbath, sa

kabiguan ninyong “panatilihin itong banal,” ay nawawalan ng kaluluwang

puno ng kagalakan bilang kapalit ng kaunting kasiyahan.

Masyado ninyong binibigyang-pansin ang inyong mga pisikal na

hangarin bilang kapalit ng inyong espirituwal na kalusugan.

Ipinakikita kaagad ng mga lumalabag sa Sabbath ang mga palatandaan

ng paghina ng kanilang pananampalataya sa pamamagitan

ng pagpapabaya sa kanilang araw-araw na panalangin ng maganak,

sa paghahanap ng kamalian, sa hindi pagbabayad ng kanilang

mga ikapu at mga handog. Ang gayong tao na nagsisimula

nang magdilim ang isipan dahil sa espirituwal na pagkagutom ay

nagsisimula na ring magkaroon ng mga pag-aalinlangan at takot

na siyang dahilan ng kanyang pagiging di-karapat-dapat sa espiri-

Hooray! Your file is uploaded and ready to be published.

Saved successfully!

Ooh no, something went wrong!